77 taong gulang na sorbetero tinulungan ng isang mala-anghel na dalaga at nabago ang buhay!



Madalas tayong nakakakita at nakakasalamuha ng mga taong may edad na ngunit nagbabanat pa rin ng mga buto. Tunay ngang nakakamanghang malaman na hindi nila alintana ang kanilang edad at pagod para lamang kumita ng pera.



Ngunit sa kabila ng pagkamangha na ito ay ang kirot sa ating mga puso kasabay ng pagtataka na bakit kailangang humantong sa ganoong pangyayari na kailangan pa nilang kumayod sa kabila ng kanilang katandaan.

Si tatay Marciano “Mario” Ricardo Jr. ay 77 taong gulang na at siya ay 44 na taon nang nagtitinda ng sorbetes. Bagamat siya ay napapagod na at nais nang sumuko sa hirap na nararanasan ay pinipilit pa rin niyang maghanap-buhay upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Isang maulan na araw nang sila ay nagtitinda sa Divisoria ay hindi inaasahang marinig ni Joanna Marie Armas Adviento ang usapan ni tatay Marciano at ng kanyang pamilya bakas rin sa matanda ang labis na kapaguran at ang kalam ng kanyang sikmura ay talaga namang hindi na maipagkakaila pa. Kasabay pa nito ang sakit niya na rheumatism na pahirap din naman sa kanya ng labusan araw-araw na pagkayod.


Dahil sa mga narinig ng dalaga, inalok niya ng tinapay at kape sina tatay Marciano at nakipagkuwentuhan siya sandali sa matiyaga at masipag na matanda. Napag-alaman ng dalaga na tinutulak pala ni tatay Marciano ang kanyang kariton ng sorbetes mula Divisoria hanggang Malabon. Ang pobreng matanda ay taga-Malabon kung kaya naman natural na lang sa pang-araw-araw niyang gawain ang paglalakad mula Divisoria hanggang Malabon at balikan pa ito!

Inamin niya rin na may mga nagpapayo sa kanya na magtungo na lamang sa mga ahensiyang nag-aalaga ng mga matatanda ngunit mas pinili niyang itaguyod ang kanyang pamilya. Mayroon siyang tatlong anan ngunit ang dalawa ay pumanaw na. Ang nais na lamang ni tatay Marciano ay makapagtinda sa harapan ng kanilang tahanan ngunit ang pangamba niya ay ang kanyang magiging panimula na puhunan at kagamitan upang maisakatuparan ito.


Hindi nagdalawang isip si Joanna na tulungan ang matanda at nangakong siya ay magbabalik kasabay ng mga gamit sa pagtitinda ng fishball. Sa tulong ng kaibigan niyang si Janine, nakalikom sila ng sapat na pondo upang makabili ng mga kagamitan sa pagtitinda ng fishball at maging ng kaunting puhunan upang si tatay Marciano ay makapagsimula na ng kanyang pagtitinda.

Source:PinoyPress






error: Content is protected !!