Isang ina na mas ninais na maging OFW kaysa makulong dahil sa dami ng pagkakautang ng pamilya!



Pamilyar tayo sa dami ng mga kwento tungkol sa mga dating mahirap ang buhay at ngayon ay nagkaroon na ng pagkakataong guminhawa at magtagumpay sa buhay. Mga taong nagsumikap at nagpursige sa kabila ng mga suliranin at problema sa buhay.



Ngunit lingid sa ating mga kaalaman na mayroon din pa lang istorya tungkol sa mga dati nang mayayaman na nalugi sa kani-kanilang mga negosyo at ngayon ay lubog na sa mga utang at hindi malaman kung paano pa aahon sa problemang kinasadlakan. Mahirap man ang ganitong pangyayari, ang kwento ng isang ina na mas piniling magtrabaho sa ibang bansa kaysa makulong sa dami ng kanilang utang ay talaga namang kapupulutan ng aral sa buhay.



Ang OFW na si Joh Bagundol Sese at ang kwento ng kanyang buhay ay pinagkaguluhan at naging usap usapan sa mga social media sites. Siya ay mula pa sa Midsalip, Zamboanga del Sur. Komportable at masaya ang pamumuhay nila noon sa probinsiya kasama ang kanyang asawa. Mayroon silang sariling poultry farm, sari sari store at mga kasambahay. Ngunit dumating na ang araw na kanilang kinatatakutan ng ang kanilang mga negosyo ay bumagsak at tuluyan nang nalugi.


Pinakamahirap na nangyari sa kanilang mag-asawa ay ang pagkakalubog nila sa utang at ang mga banta na sila ay ipakukulong kung sila ay hindi makakabayad. Ngunit ang mas masakit pala sa kanilang mga pinagdaanan ay ang ipahiya sila ng kanilang kamag-anak sa social media dahil lamang sa mga pagkakautang nila. Nanatiling tahimik si Joh at naisipan na lamang niyang mangibang-bansa. “Dalawa lang naman ang pwedeng mangyari. Makulong ako o di kaya naman ay mag-abroad ako at magtrabaho.”

Matapos ang higit tatlong buwan na pagsubok niyang makaalis ng bansa ay napangyari nga ito. Sa loob lamang ng dalawang taon ay nabayaran na niya ang kanyang mga utang dito sa Pilipinas. Naging malaking pagsubok man ito sa kanilang pamilya, pinilit niyang maging matatag bilang isang ina at ilaw ng tahanan. Nagpursige siya at ngayon ay patuloy na nagtitiyaga para sa kanyang mga anak at asawa.



Source:PinoyPress




error: Content is protected !!