Anak ni James Yap na si MJ, umani ng mga papuri sa mga netizens dahil sa pagiging cute at gwapo nito!



Si James Yap kilala bilang dating asawa ni Kris Aquino at isang propesyonal na basketball player. Ngunit noong July 5, 2005 idineklarang “null and void” na ang kanilang kasal. Nagkaroon sila ng isang anak na kilala bilang Bimby o James Carlos Aquino Yap, Jr. Siya ay 11 taong gulang na ngayon. Bagamat hiwalay na sila ngayon ay patuloy pa rin nilang pinagsusumikapang maging mga magulang para sa kanilang anak.


Sa ngayon ay masaya at kontento si James Yap sa kanyang lumalaking pamilya. Si Michella Cazola ang kasalukuyang partner ngayon ni James Yap at mayroon na silang dalawang anak, ang dalawang taong gulang na si MJ o Michael James at ang kanilang baby girl na si Franchesca Michelle noong June 27.




Pinagkakaguluhan naman ngayon sa social media ang mga larawan ng kanilang panganay na si MJ. Marahil dahil sa nakuha niya ang kagwapuhan at kagandahan ng kanyang ina at ama. Ayon pa sa ina ni MJ,
“Both physically and in terms of personality, I think he’s really a combination of me and James. Some people say he looks like me, others say like James, but in fairness, he’s really a mix.”




Ngunit tila mayroon ding mga pag-uugali ng kanyang mga magulang ang nakuha ni MJ, isa na rito ang pagiging madaldal katulad ng kanyang ina, “In terms of attitude, he’s talkative, so that’s me. But he also observes a lot, and that’s from James. But I also think he has his own characteristics like, for instance, he enjoys the company of people and his curiosity. He loves to travel too so that he got it from both of us.” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Michella, ang pagkahilig ng kanilang anak sa bola ay nakuha niya sa kanyang ama na si James Yap. “He likes to play ball. At home, he runs everywhere, he likes to play with the ball and play with the dog. He doesn’t like to sit for a long time!”

Marami ang naghihintay sa marami pang milestones ng kanilang panganay, papasukin din kaya niya ang industriya ng show business?

Source:PixelatedPlanet




error: Content is protected !!