Ang Istorya Ng Isang Milyonaryong Lalaki Sa Edad Na 26



Halos lahat sa atin ay gustong maging maganda at maginhawa ang buhay. Pinangarap natin maging mayaman dahil karaniwan sa mga problema na kinakaharap ay dahil sa kakulangan sa pera. Kaya naman marami sa atin ay nagsusumikap upang makamtan ang masayang buhay.



Ang iba naman ay sinusubukan ang kanilang kapalaran sa Lotto, Sweepstakes, at iba pang mga tinatayaan. Pero maraming tanong sa atin kung paano nga ba talaga ang paraan upang maging mayaman. Ano ba ang landas na dapat tahakin upang ang buhay ay maginhawa? Isang nakaka-manghang istorya ng pagiging milyonaryo ang nagiging usapan ngayon sa Social Media. Ang lalaking ito ay naging milyonaryo na sa edad na 26 lamang.



Si Jhay-R Reyes ay isang binatilyong ibinihagi ang kanyang landas sa kanyang pagiging matagumpay na milyonaryo. Sa post ni Jhay-R, ibinahagi niya ang kanyang dalawang palapag na mansyon at kanyang kotse. Ibinahagi niya rin ang naging diskarte niya sa pagiging matagumpay. Ikinuwento ng Mayamang binatilyo na nagumpisa siyang mangarap maging milyonaryo noong siya ay nag-aaral pa lamang sa Kolehiyo. Siya ay nag-aral sa Polytechnic University of the Philippines o PUP. Pinangarap niya na sa edad na 25 ay dapat isa na siyang Milyonaryo.

Sabi ni Jhay-R:



“I had this goal to be a millionaire at the age of 25, with a car and a home I can call my own.” Sa kabila ng kanyang pagiging isang istudyante sa kolehiyo, naisip niyang maging mas produktibo ang bawat oras na lumilipas. Humanap siya ng unang paraan kung paano makaka-ipon kasabay ang kanyang pag-aaral. Natutunan niya kung paano mag-invest sa stocks.

Ayon sa kanya:

“Started with an investment of 4 digits (9100+) exactly 10 years ago while studying as a iskolar ng bayan in PUP and trade I guess more than 1000 buys and sells to make it what it is now,”. Hindi naging madali para kay Jhay-R ang mga nangyari sa kanya. Dumating sa punto na palipat-lipat siya ng trabaho at nagkasakit pa ang kanyang Ama. Pero hindi naging hadlang ito sa kanyang mga pangarap. Pagkalipas ng sampung taon ay naka-bili na siya ng sarili niyang bahay.


Sinabi rin ni Jhay-R:



“Every cent, peso I have now came from investments, stocks to be specific. This house came from one stock, and that car came from one stock also. Without any debt, without fooling other people.” Maraming namangha sa diskarte na ginawa ni Jhay-R bilang isang indibidwal. Masasabing ang mga naging sandata niya upang maging mayaman ay ang pagpupursigi o pagsisipag, pagiging tapat, at pagiging dedikado sa pangarap.


Idinagdag pa ni Jhay-R:

“When you dream, make it a goal and for you to achieve your goal, you should move to achieve those goals and stop complaining and whining about the things you can’t control.” Tunay na nakaka-bilib ang ibinahagi ni Jhay-R. Ito ang pagpapatunay ng isang taong may pangarap at may pagsasagawa. Marami sa atin ay nangangarap, pero ang iba ay takot gumalaw. Magtiwala sa sarili, dahil walang imposible sa taong nagpupursigi.




error: Content is protected !!