Ang Pasilip sa Estilong Tradisyonal Na Bahay Ni Dawn Zulueta



Sa paglipas ng panahon ay nagbabago na ang mga itsura ng mga bahay. Tila bang ang mga tradisyonal na mga itsura ay napapalitan ng mga modernong estilo. Marami na tayong nakitang mga bahay ng celebrities na talaga namang nakaka-mangha dahil sa taglay nitong kagandahan. Magpapatunay kasi ito sa katagumpayan na nangyari sa kanilang buhay. Karaniwan sa mga bahay na nakikita natin ay mga modernong estilo. Pero may isang Celebrity na biteranong aktress ang nagpakita ng kanyang kakaibang disenyo ng bahay.




Si Marie Rachel Salman Taleon-Lagdameo na mas kilala sa pangalang Dawn Zulueta ay mayroong bahay na talaga namang kakaiba sa ibang celebrities. Nakilala natin si Dawn Zulueta sa kanyang di matatawarang pag-arte at maraming commercial. Siya rin ay naging host ng mga ibang palabas. Humakot siya ng napakaraming awards at hanggang kasalukuyan ay talaga namang walang kupas ang kanyang kagandahan. Ang pangalan ng mister niya ay si Antonio Lagdameo Jr. at nagkaroon ng dalawang anak na ang mga pangalan ay Jacobo at Ayisha. Dating naninirahan sa condo ang Pamilya nila Dawn Zulueta, nang sila ay nagkaroon ng sariling bahay, minabuti nilang lagyan ito ng mga tradisyonal na mga kasangkapan. Sa kagustuhang mapaganda maige ang tatlong kwartong bahay, kinuha nilang mag-disenyo si Chito Antonio na isang Architect at Interior Designer. Talaga namang magagandahan ka sa pagkaka-disenyo ng bahay dahil sa mga kagamitan at pagkaka-ayos nito.

Pasukan ng Bahay


Sa pagpapaganda ng bahay, isa ito sa pinakamahalagang dapat pagtuunan ng pansin. Kung ano kasi ang makikita sa bungad ay mananatili ito sa isip. Makikita sa pasukan ng kanilang bahay ang sinaunang mesa-kabinet. Dahil sa asul-bughaw nitong kulay at makalumang disenyo ay masasabing elegante at tradisyonal. Sinamahan pa ito ng mga imahe o paintings ng kalikasan na naka-kabit sa dingding. Nakapatong sa mesa ang ilang larawan at bulaklak. Sa taas ng mesa ay may malaking bilog na salamin.\


Sala/Living Room



 

Isa sa dapat ring pagandahin ang Sala. Dahil dito mo pwedeng tanggapin ang iyong mga bisita. Ito rin ang lugar kung saan ay pwede kang mag-relax at manuod ng TV. Mapapansin na ang karaniwang kulay na makikita sa sala ay Pula, Cream, at Brown. Ang combinasyon na ito ay naaayon din sa nalalapit na kapaskuhan. Mapapansin sa kanilang sala ang pagkakaroon ng mga disenyo ng rosas sa mga kurtina at mga flower vases na nakalagay sa mga mesa. Asawa ni Dawn ang personal na nagdisenyo ng parte ng TV nila. Kapansin-pansin din ang Christmas Tree na nag-blend sa kulay ng sala.

Dining Table


Sa mala-kapeng kulay ng lamesang kainan ay masasabing talagang klasiko ang itsura. Samahan pa ng chandelier na may disensyong pula at flower vase na may pulang bulaklak talaga namang nakaka-engganyong tignan. Mapapansin din na katabi ng dining table ang isang lamesang maliit na nasa bintanang lugar. Nakaka-relaks tignan ang lamesang ito dahil sa mga disenyong nakalagay dito gaya ng sarimanok na kahoy na dinisenyo ng isang national artist na si Abdulmari Imao na nakalagay sa ilalim at isang malaking lampara sa ibabaw na gawa naman sa marmol.



Kusina


Tunay nga naman na pag maganda ang paglulutuan, magiging ganado ka sa pagluluto. Dahil ang magasawa ay mahilig magluto, pinaganda nila ang kanilang kusina. Sa pamamagitan ng paglagay ng dilaw na kulay, ang kulay na nakakapag-pasaya, tiyak na gaganahang magluto ang kahit sino sa lugar na ito. Dahil sa pinamalas na kagandahan ng disenyo ng bahay nila Dawn Zulueta, marami sa atin ay ma-iinspire sa pagkabukod-tangi nito. Hindi naman kailangan ng sobrang laki ng bahay para masabing maganda ito. Ang mahalaga ay kung paano ang magiging disenyo mo. Katulad ng bahay na ito, nilagyan nila ng disensyong tradisyonal upang maging kaaya-ayang tignan.




error: Content is protected !!