Isang Blue-Haired Pinay NBA Cheerleader ang Hinangaan Dahil Sa Kanyang Angking Galing sa Pag-Sayaw



Nakaka-tuwang isipin at nakikilala na ang ating bansa dahil sa mga ilang tao na nagpapamalas ng angking galing sa ibat-ibang aspeto. Ang ilan dito ay sila Sen Manny Pacquiao, Efren Bata Reyes, at marami pang iba. Nakikilala din ang ating bansa sa mga patimpalak katulad ng Ms. Universe, Ms. World, at ilan pang mga beauty pageant dahil karaniwan ay nanalo ang mga representante ng ating bansa. Ipinagmamalaki natin sila dahil ano man ang nakamit nilang pagka-panalo ay karangalan din ng ating bansa.


Isang Pinay naman ang pinag-uusapan ngayon dahil sa angking galing niya sa pagsasayaw. Siya si Kyla Fajardo, 18 taong gulang, ang isa sa mga Cheerleader ng Los Angeles Clippers. Tubong Malolos Bulacan si Kyla at ngayon ay nasa Carson City, California na sila.




Nagumpisa ang kanyang pagkahilig sa pagsayaw noong siya ay 11 na taong gulang pa lamang. Dahil naging buhay na niya ang pagsasayaw, naging Dance Instructor siya sa isang Torrance-based studio sa California. Talagang ang pagsasayaw niya ang naging career niya sa pagpapatuloy ng kanyang buhay. Siya rin ay kinikilala ng State of California at mga ilang National Levels sa kanyang angking galing sa pagsasayaw.Hindi biro ang makasali sa isang Cheerleader dance group sa NBA. Tila ba parang sinasala maige ang mga sumasali at pawang magagaling lamang ang mga pinipili. Pero pinatunayan ni Kyla na kaya ng isang pinoy na makapasok sa ganitong career.



Dahil sa magandang mukha at galing sumayaw, talaga namang maraming matutuwang manunuod sa kanilang performance. Dahil sa mala-asul na kulay ng kanyang buhok ay madali mong mapapansin kung nasaan si Kyla sa grupo, bukod pa na siya ay palaging nasa unahang linya dahil sa kanyang kagalingan sa pagsayaw. Kasabay ng kanyang Dancing Career sa Los Angeles Clippers Cheerleading dance team ay ang kanyang pag-aaral. Si Kyla Fajardo ang pinakabatang miyembro ng grupo. Tunay na nakaka-bilib ang Pinoy sa napakaraming aspeto. Isang pagpapatunay dito ay si Kyla Fajardo. Isang halimbawa siya na kung may talento ka, ipakita mo, pagbutihin mo, at ipagmalaki mo dahil ito ay mga biyayang dapat mong pagyamanin at hindi tinatago.






error: Content is protected !!