Pangatlong anak ni Bossing Vic Sotto, kilalanin!



Si Marvic Valentin Castelo Sotto o mas kilala bilang Vic Sotto na ipinanganak noong Abril 28, 1954 ay isang sikat na aktor, komedyante, host, modelo, commercial endorser, mang-aawit, kompositor, at prodyuser. Kilala siya sa kanyang mga nakakatuwang biro na talaga namang nakakaalis ng pagod at lungkot. Siya ay aminado na hindi siya kagwapuhan noon at siya ay biniyayaan din ng medyo pahabang mukha at baba.



Ngunit talaga namang ang kanyang karisma ay hindi mo dapat kwestiyunin. Dahil sa dinami-rami ng mga babae na kanyang nakakasalamuha, halos lahat sila ay nahuhulog sa taglay na kagwapuhan ni Bossing. Sa ngayon ay masaya siyang maging ama muli sa isang malusog na babaeng sanggol dahil sa medyo may pagkamahaba rin ang pagitan ng huli niyang anak bago si Talitha. Si Danica Sotto-Pingris at Oyo Boy Sotto ay anak niya kay Dina Bonnevie. Kapwa na sila may sariling pamilya at mga anak. Si Vicco Sotto naman na sumabak sa pulitika ay anak ni Bossing kay Coney Reyes. May anak rin siya kay Angela Luz na ang pangalan ay Paulina Sotto. Samantalang nagdiwang naman ng isang taong kaarawan si Maria Talitha noong November 6, 2018.



Kamakailan lamang ay nagpost ng mga dating larawan ng kanyang anak na si Vicco Sotto si Coney Reyes. Kilala rin siya sa pangalan na Victor Ma. Reyes Sotto. Marami ang nagulat sa pagkakahawig niya sa kanyang ama na si Vic Sotto noong siya ay paslit pa. Mababanaag din ang kakisigan at kagwapuhan sa binata. Sa kasalukuyan siya ay kilala bilang pinakabatang konsehal ng Pasig. Nagulat rin ang lahat ng siya ay nag-file ng certificate of candidacy sa pagka-Mayor sa susunod na halalan.




Nakatutuwang makita na siya ay suportado ng kanyang mga magulang kahit pa ang mga ito ay hiwalay na sila ay tumayo pa ring mabubuting magulang sa kanilang anak. Mapalad siyang magkaroon ng mga magulang tulad nila.




error: Content is protected !!