Rica Peralejo, sikat na aktres noon, at ito na ang buhay nya ngayon pagkatapos iwan ang showbiz



Rica Peralejo kilala rin siya bilang Regina Carla Bautista Peralejo, 37 taong gulang. Isa siyang aktres, mang-aawit, at host. Isa siya sa mga artistang nagtataglay ng maaamo at magagandang mukha sa show business. Ngunit nasaan na nga ba ang kinalakihan nating artista noon na si Rica Peralejo?



Taong 2010 ng mapabalitang nagpakasal siya sa isang pastor na si Joseph “Joe” Bonifacio, pastor ng every nation church.


Pinili niyang lisanin ang show business para sa personal niyang buhay. Matapos nilang magpakasal ay mas pinili ng mag-asawa na ipagpatuloy muna ang pag-aaral ni Rica Peralejo bago magkaroon ng mga anak.


Nakapagtapos ng kursong AB English Literature sa Ateneo de Manila University taong 2012. Sa ngayon siya ay nagpapatuloy ng kanyang pag-aaral at kumukuha ng Master’s Degree in Evangelism and Leadership sa Wheaton College.



Taong 2014 naman ay nagsilang siya ng kanyang panganay na anak na si Philip Nathaniel Peralejo Bonifacio. Nagkaroon man ng miscarriage si Rica Peralejo noong 2016, patuloy pa rin siyang nanampalatayang mayroong plano ang Diyos sa kanilang buhay. Siya ay kilala rin ngayon bilang isang blogger at author ng sarili niyang libro. Masayang masaya siya ngayon sa piling ng kanyang asawa at anak.



Mapapansin din sa kanilang pamilya ang pagiging malapit sa Diyos. Isang inspirasyon ang pamilyang ito sa nakararaming pamilya. Bagama’t maraming problema at trahedya na dumarating sa kanilang buhay patuloy pa rin silang nagmamahalan at nagpapalakas ng pananampalataya. Nagkaroon man siya ng miscarriage ay mababanaag sa kanya ang kanyang katatagan, at kalakasan bilang isang mananampalataya, bilang isang ina at asawa. Tunay ngang kapupulutan ng aral ang buhay ng dating aktres na ito. Maging ang mga hamon sa buhay ni Rica Peralejo at ng kanyang pamilya ay magiging inspirasyon sa marami!

Source: Rica Peralejo – InstagramRica Peralejo -FacebookWikipedia



error: Content is protected !!