Si Lumen Noon, Butihing Maybahay sa Amerika Ngayon



Ang pagiging artista ay masasabing isang pansamantala o hindi pang habang buhay na trabaho sa ilan. Ang ningning ng mga artista ay masasabing mahirap panatilihin sapagkat maraming mga talento ang nadidiskubre sa industriya araw-araw.  May mga malalaking pangalan pa rin na namamayani at namamayagpag ngayon. Sila yung galing sa mga mabibigat na angkan ng mga artista. Sila yung mga tipo na pangangalagaan ang kanilang reputasyon bilang artista. Sila rin yung mayroon ng malaking ipon at nakapagtatag na ng mga sarili nilang negosyo. Sa kabilang banda, may iba naman na nawala na agad ang kinang matapos ang ilang paglabas sa telebisyon at pelikula.

Ngayon ano na nga ba ang buhay ni Lumen at ano na nga ba ang ginagawa nya ngayon sa Amerika?




Karamihan naman sa mga dating artista noon ay piniling mamuhay ng tahimik at masaya kasama ang kanilang sariling pamilya. Katulad na lamang ni Lumen. Bumida si Lumen sa isa sa mga naging sikat na commercial noong dekada 90. Ang produktong tinampukan ni Lumen o January Isaac sa tunay na buhay, ay ang sabon na Surf. Si January Isaac ay kinasal kay Wade Bodlovic noong Hunyo 2010 sa Shoreline, Washington. Simula noon ay nanirahan na sila sa Amerika at doon ay pinagkalooban sila ng dalawang supling. Ang mga anak ni January at Wade ay pinangalanan nilang Hunter at Harley.




Ang panganay na si Hunter ay anim na taong gulang samantalang si Harley naman ay tatlong taong gulang. Makikita sa Instagram ni Lumen ang mga masasayang karanasan niya kasama ang pamilya. Isa sa mga ibinahagi niya sa kanyang IG account ay ang larawan ni Hunter na nakakulay asul na toga.

Ito ay nasabing litrato ni Hunter noong kanyang graduation. Nakakatuwang isipin na si Lumen na kilala natin noon ay pinagkalooban ng isang masayang pamilya. Naisabuhay niya ang kanyang karakter sa Surf bilang isang butihing maybahay.



Source:goodnetwork




error: Content is protected !!