Taytay Tiangge patok na patok sa masa lalo na ngayong magpapasko!



Pilipinas ay kilala sa pagkakaroon ng pinakamahabang selebrasyon ng kapaskuhan, mula Setyembre pa lamang o tinatawag nilang “Ber” months hindu na magkamayaw ang karamihan sa pag-aayos ng kanilang mga Christmas tree at mga parol sa kani-kanilang tahanan. Kasabay nito ang maagang pagbabalot ng mga regalo para sa mga inaanak at mga mahal sa buhay. Kaugalian na ng mga Pilipino na mamili ng mga pang-regalo bago sumapit ang pasko.



Kung karamihan sa atin ay nasanay nang mamili ng mga murang pamasko sa Divisoria, Greenhills, o Baclaran, ibahin ninyo ang dinadayo ngayon na Taytay Tiangge kung saan ang mga mura at de kalidad na pamasko ay magugulat kang nasa kalahati na lamang ng presyo sa palengke.


At hindi rin katulad ng ibang mga tiangge na ang pakyawan ay anim na piraso pataas, tatlong piraso lamang dito ay maituturing nang pakyawan. Ang Taytay Tiangge ay matatagpuan sa Taytay Rizal na tinaguriang “Garments Capital of the Philippines”. Bukas ang tiangge na ito tuwing Lunes hanggang Linggo alas-otso ng umaga hangganga alas-sais ng gabi.




Mayroon din naman silang “Night Market” tuwing Lunes at Huwebes pagsapit ng alas-singko ng hapon hanggang alas dose ng madaling araw. Matatagpuan ang Taytay Tiangge sa Manila East Road, Don Hilarious Ave., Baranggay San Juan, Taytay, Rizal at malapit rin ito Club Manila East, Taytay.

Marapat lamang maging maingat sa pamimili dahil ito ay isang pampublikong lugar, maging mapagbantayan dapat tayo sa mga masasamang loob at maging mapagmatiyag. Siguraduhing walang suot na mga mamahaling alahas o mga dala dalang mamahalin na bag, wallet, o cellphone na maaaring makaakit ng mga magnanakaw. Maging masusi din naman sa pagbabayad at pagbibilang ng sukli, siguraduhing tama ang ibinabayad at isinusukli sa iyo.


Tunay ngang napakasaya ng pagdiriwang ng Pasko sa Pinas. Pagbibigayan, pagmamahalan, pag-asa at pagiging kumpleto ng pamilya ang mga bagay na talaga namang kumukumpleto sa Pasko ng bawat Pilipino.




error: Content is protected !!