Magarang mansion nina Manny at Jinkee Pacquiao sa Forbes Park, silipin!



Kilalang kampeon sa larangan ng boksing si Emmanuel “Manny” Dapidran Pacquiao, 39 taong gulang na naging kauna-unahang boksingero na nagkamit ng kampeonato sa walong dibisyon at nakapaguwi ng sampung titulo. Naging mahirap man ang kanyang buhay pati ng kanyang pamilya noon, siya ay nagsumikap at nagpursige na mapagtagumpayan ang mga pagsubok sa buhay. Ngayon ay hindi na mabilang ang kanilang mga negosyo, mga sasakyan, mga bahay at mga tao na kanilang natulungan.

Anteroom



Bathroom



Dining


Isa na sa mga magagara nilang bahay ay ang tahanan nila sa Forbes Park na matatagpuan sa Makati. Ayon sa ilang pahayagan ang tahanan na ito ng mga Pacquiao ay nagkakahalaga nang 9 milyong dolyar o 388 milyong piso! Ang 1,500 square meters na mansyon ng mga Pacquiao ay matatagpuan sa Cambridge Street, North Forbes, Makati City. Kapit-bahay na ngayon ni Manny Pacquiao ang mga sikat at bigating personalidad tulad nina Senador Loren Legarda, Atty. Felipe Gozon Executive ng GMA network, negosyanteng si Tonyboy Cojuangco, at mga ambassador ng Kuwait, Estados Unidos, at Thailand.

Talaga namang hindi maipagkakailang kayang kaya ni Senador Manny ang kanilang tahanan dahil sa net worth nitong 1.13 bilyong piso o 26 milyong dolyar.

Nakakamanghang malaman na ang mamahalin at grandyosong bahay nila na ito ay mula sa pagpapagod ni Manny Pacquiao. Mula sa literal na dugo at pawis niya ay ang maginhawang pamumuhay hindi lamang sa kanyang mga anak, asawa, sa pamilya at maging sa kanilang mga malalapit na kaibigan at kamag-anak sa buhay ay kaniyang tinulungan. Hindi lingid sa ating kaalaman ng marami na bukas palad at buong puso ang kanyang pagtulong sa mga tao na nangangailangan.

Fascade

Hallway

Home Office of Manny

Living Room

Kitchen

Staircase

Mahalagang bagay rin na hindi sila nakakalimot magpasalamat sa Panginoon na nagbiyaya ng lahat ng tinatamasa nila sa ngayon. Kilala rin si Manny Pacquiao bilang isang “Preacher” na nagpapalaganap at nagbabahagi ng mga dakilang gawa at dakilang salita ng Panginoong Hesus.




error: Content is protected !!