Silipin ang tahanan ni Joey de Leon at ang kanyang art collection



Si Joey de Leon, 72 taong gulang, kilala bilang isang mahusay na komedyante, aktor, host, mang-aawit, manunulat at songwriter. Nakilala rin siya bilang isa sa trio na Tito Vic and Joey kung saan kasama rin niya sina Vic Sotto, at Tito Sotto. Kasalukuyang mapapanuod siya araw-araw sa Eat Bulaga ng GMA network. Hindi rin lingid sa kaalaman ng marami ang pagkahilig sa sining ng batikang komedyante. Kung kaya naman ang kanyang tahanan sa Pasig ay punong puno ng kanyang mga koleksyon na paintings mula sa kanyang mga paboritong pintor.

Entrance

1970s pa lamang ay aktibo na sa industriya si Joey de Leon at isa rin siya sa pinakamatagal at pinakaunang host sa Eat Bulaga, kilala bilang “longest-running daily noontime show” simula 1979. Ang kanyang tahanan sa Pasig ay namumutiktik sa mga pinta at sining ng paborito niyang pintor at National Artist na si Ang Kiukok. Maging siya ay nagpipinta rin at kadalasang mga clown o payaso ang kanyang hilig ipinta tulad na lamang ng pagiging komedyante niya.



Dining Area

Sa harapan pa lamang ng kanilang tahanan ay bubungad na ang bagamat makalumang disenyo ay elegante pa rin. Gayundin naman ang kanilang living area na mayroong puting sofa na kumumpleto sa mga kaaya-aya niyang mga art collection. Maging ang kanilang dining area ay puno rin ng kanyang koleksyon. Mayroon din siyang ceramic plate ng isa pang National Artist na si BenCab. Talagang maiingganya kang kumain sa kanilang maaliwalas at malinis na dining area.

Pool Area

Isa rin sa parte ng kanyang magandang tahanan ay ang kanilang pool kung saan kinailangan pa niya itong ipabungkal muli at ilipat sa ibang parte dahil hindi ito nasisinagan ng araw. Ayon sa batikang komedyante, mahalaga ang sinag ng araw lalo na sa kanilang pool.
“Naisip ko lang walang kwenta ang pool kapag walang araw.”
Nakaka-inpire ngang tunay ang tahanan na ipinundar, pinagsikapan at pinaggugulan ng panahon ni Joey de Leon.


Other picture of Mr. Joey De Leon with the Dabarkads.





error: Content is protected !!