Ang Masayang Buhay Na Pinili Ni Nikki Gil Kasama Ang Kanyang Pamilya



Tahimik sa kanyang buhay may pamilya ngayon ang dating Kapamilya na si Nikki Gil. Unang lumabas sa telebisyon ang singer, host, aktres, model at VJ noong taong 2000 sa kanyang Coca-Cola commercial. Gamit ang kanyang magandang tinig, nagdebut siya bilang isang mang aawit at mula noon ay naging abala na siya sa kanyang singing career. Naglabas siya ng album at pinasikat niya ang mga kantang “Glowing Inside” at “Sakayan ng Jeep”.



Bukod sa pagkanta, naging sikat na video jockey o VJ si Nikki sa MYX at naging host siya ng iba’t ibang shows ng nasabing channel sa loob ng isang dekada. Tumampok siya sa mga programa ng ABS-CBN katulad ng Pieta ni Carlo J. Caparas. Naging bahagi rin siya ng mga afternoon shows gaya ng “Nagsimula sa Puso”, “Rounin”, “Pangarap na Bituin”, at “Hawak Kamay”. Dahil sa kanyang ipinamalas na galing sa pag arte, nagkaroon siya ng maraming nominations at recognitions sa industriya. Noong 2011, ginawaran siya ng Best Actress sa Broadway World Philippines Awards. Tinanggap din niya mula sa PMPC Star Awards for TV ang Best Single Performance by An Actress sa kanyang pagganap sa programang Maaalala Mo Kaya episode na pinamagatang “Ilog” noong 2013. Nakilala din ang career Nikki sa international arena. Binigyan siya ng pagkakataon ng Walt Disney Records na makasama sa “High School Musical” music video at magperform ng Tagalog version ng “It’s a Small World” sa grand opening ng Hongkong Disneyland.



Naging makulay ang lovelife ni Nikki sa pagkakaroon niya ng boyfriend sa gitna ng kanyang kasikatan. Siya ay nakipagdate at kinalaunan ay naging BF niya ang kapwa Kapamilya star na si Billy Crawford. Ngunit noong 2013, ikinagulat ng lahat ang pag-amin ni Nikki sa interview sa Cosmopolitan Magazine tungkol sa breakup nila ni Billy. Sa kasalukuyan, si Nikki Gil ay kasal sa kanyang non-showbiz husband na si BJ Albert. Sila ay biniyayaan ng isang anak na nagngangalang Finn.




Abala ngayon si Nikki sa kanyang blogsite na Nikkigil.com. Dito siya nagbabahagi ng mga istorya at aral tungkol sa kanyang buhay, pamilya, career at paglalakbay. Hindi man nagbalik sa showbiz si Nikki, masaya niyang ginagampanan ang role niya bilang butihing maybahay ni BJ at mapagmahal na nanay ni Finn.




error: Content is protected !!