Apat na palapag na tahanan ni Pokwang, kahanga-hanga ang ganda at laki!



Si Marietta Subong o mas kilala ng nakararami bilang Pokwang ay isang sikat na komedyante, aktres, host sa telebisyon, at mang-aawit. Siya ay kasalukuyang mapapanuod sa Kapamilya network. Una siyang nakilala sa programa ng ABS-CBN na “Clown in a Million” na kung saan ay siya ang hinirang na panalo. Naging mahirap ang kanyang kabataan dahil sa manginginom at lasenggo ang kanyang ama samantalang hirap naman na buhayin silang labindalawang (12) magkakapatid ng kanyang ina. Siya ay pang-pito sa kanilang lahat.

Dining



Dino’s Bedroom


Foyer


Lingid sa kaalaman ng nakararami na dati na ring naging Overseas Filipino Worker si Pokwang. Naging masalimuot man ang kapalaran niya noon dahil sa hindi pagpayag ng kanyang amo noon na makabalik siya sa Pinas noong namatay ang kanyang anak na lalaki dahil sa brain tÜmor. Masakit man sa isang ina na mawalan ng anak lalo na habang nasa dayuhang bansa ay nagpakatatag siya para sa isa pa niyang anak na babae, pareho niyang anak ito sa dalawang Hapon. Habang si Malia naman ay anak niya sa kanyang asawa na isang Briton.


Kitchen


Ang kanyang apat na palapag na tahanan sa Antipolo City ay talaga namang napakaganda at napakaaliwalas. Pinagmamalaki rin ng komedyante ang kanyang prayer room dahil sa Siya ang nagbigay ng lahat ng biyaya sa kanya marapat lang naman daw na magkaroon ng prayer room sa kanyang tahanan.



Dagdag pa niya walong buwan ang lumipas para matapos ang kanyang tahanan.
“Nag-ground-breaking kami ng mga May 2010. ’Tapos, noong mga first week of June, ayan na, kinayod na ’yan. Ang laki ng batong nakuha nila, e. Ang laki ng backhoe na ginamit.” Mapapansin din sa bahay niya ang mga malalaki at magagandang kwarto ng kanyang anak na babae na si Mae. Samantalang mayroon din namang kwarto ang pumanaw niyang anak na lalaki dahil sa brain tÜmor.

Living Area

Powder Room




Ang kanya namang kwarto ay aakalain mong isang kwarto sa mamahaling hotel, hindi lamang sa walk-in closet ng aktres ngunit pati na rin sa magarang paliguan niya na maaari ring gawing sauna. Katangi-tanging kwarto lamang niya ang kwarto na nasa ikatlong palapag.




error: Content is protected !!