Celebrity look-alikes: Mapapadalawang tingin ka kung sila nga ba ang artistang iniidolo mo!



Marami sa atin ang umiidolo sa mga sikat na artista na kung saan maging ang kanilang mga kasuotan, mga sapatos, o mga bag ay minimithi at ninanais din natin na makamit. Ang iba naman sa atin ay nag-iipon at nagpupundar upang magkaroon ng mga bagay na ito na mayroon ang kanilang mga iniidolong artista. Hindi rin naman natin pinalalampas ang kanilang mga pelikula, palabas, mga endorsyo, at maging ang kanilang mga negosyo ay atin ring tinatangkilik. Ngunit paano kung kahawig o kamukha mo ang mga artistang iniidolo ng nakararami? Magiging pabor ba ito sa iyo? O maaaring maging dahilan ng pagbabago ng iyong buhay? O magiging isang abala at hindi kanais-nais na karanasan para sa iyo lalo na sa maraming mga “memes” at kung anu-ano pang pakana sa social media na kadalasan ay nakatutuwa ngunit minsan ay nakapananakit din naman ng damdamin ng marami. Ilan sa mga normal na tao na nakahahawig ng mga paborito nating personalidad ilan sa kanila ay mga kahawig ng mga sikat na aktor tulad nina James Reid, Enrique Gil, Jake Cuenca, aktres na si Julia Barreto, ang propesyonal na basketbolista na si James Yap, mahusay na host at komedyante na si Luis Manzano, ang “unkabogable” Vice Ganda, at maging ang mga pulitiko tulad nina Jejomar Binay, dating Pangulong Ninoy Aquino, ang kontrobersyal na si Leila de Lima at ang dating Presidente ng America na si Barack Obama.





Tunay ngang hindi maipagkakaila na iba ang lahing Pinoy. Sinong mag-aakala na mula artista, pulitiko, manlalaro at maging internasyonal na personalidad matatagpuan mo sa Pinas? There is no place like our home country.

Kilala ang mga Pilipino bilang masasayahing tao, kung kaya naman kahit sa panahon ng kahirapan o kalamidad hindi maiaalis ng sinuman ang ngiti sa ating mga labi, ang pag-asa ng bawat isa sa atin, ang bayanihan at pagtutulungan ay hindi matatawaran na ugali nating mga Pinoy!

Source:TheTrendingPlanet






error: Content is protected !!