Long-lost sister nga ba ni Liza Soberano? kilalanin!



Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan ng di umano ay kakambal o long lost sister ni Liza Soberano. Si Liza Soberano o mas kilalang Hope Elizabeth Soberano sa tunay na buhay ay isang sikat na aktres, modelo, at commercial endorser.



Siya ang inaabangan na bagong mukha ng Darna sa susunod na taon (2019). Nakilala rin siya sa pagganap niya sa Must Be Love (2013), She’s the One (2013), Kung Ako’y Iiwan Mo (2010), Wansapanataym (2011). Lalo pa siyang nakilala at sumikat nang siya ay naging leading lady at katambal ni Enrique Gil sa mga palabas na “Forevermore”, “Just The Way You Are”, Everyday I Love You and “My Ex and Whys”.




Sa dami ng kanyang mga nagawang pelikula at palabas tunay ngang siya ay naging isang nakalaking inspirasyon sa mga kabataan at sa ibang mga tao na sa kanya ay humahanga at tumitingala. Ngunit kamakailan lamang ay nagulantang ang maraming netizens sa larawan ng isang magandang babae mula sa Quezon City.

Lubos na ikinagulat ng mga netizens ang pagkakamukha ng dalaga sa sikat na artista, mula sa mala-hugis puso niyang mukha, matangos na ilong, mala-anghel na hitsura, maamo at nangungusap na mga mata ay hindi mo maipagkakailang para talaga silang magkakambal! Ang magandang dalaga na ito ay nagngangalang Lovermarie Ynarez.

Ang tanging kaibahan lamang ng dalaga sa sikat na aktres ay ang kanyang tattoo sa kanan niyang kamay at kanan niyang tiyan. Magkaroon kaya sila ng pagkakataon na magtambal sa isang proyekto, programa, o pelikula? Nanabik na ang maraming tagahanga ni Liza Soberano na matunghayan sa telebisyon ang kanyang tila nawawalang kapatid. Ayon pa sa ilang netizens na nakita ng kumakalat na larawan, si Lovermarie Ynarez daw ang “hot version” ni Liza Soberano na kilala rin naman sa pagiging mahinhin at konserbatibo ngunit elegante nitong pananamit.

Ano kaya ang magiging komento ni Liza tungkol dito?

Source:TheTrendingPlanet




error: Content is protected !!