Nagulat ang lahat ng sabihin ng isang lalaki na may mahal siyang iba sa harap ng altar at ng mismong pakakasalan niya!



Ang kasal ay isang banal na matrimonyo o seremonya kung saan ang isang lalaki at babae na nagmamahalan ay nangangakong aalagaan, hindi iiwan, at hindi pababayaan ang isa’t-isa anumang unos o pagsubok ang kanilang pagdaanan habang sa sila ay nabubuhay.




Isa itong napakahalagang okasyon sa buhay ng isang indibidwal dahil sa ito ay nagsisilbi rin namang panibagong yugto ng kanilang mga buhay, ang buhay mag-asawa. Ang buhay mag-asawa na kung ilarawan ng nakararami ay hindi tulad ng kanin na mainit na iyong isusubo at kapag napaso ay maaari mong iluwa. Isang napakalaking responsibilidad ang pag-aasawa at talaga namang lubos na kasiyahan ang pagsisimula at pagkakaroon ng sariling pamilya at sariling mga anak.

Ngunit marami ang nagulat sa isang viral post sa social media kung saan may isang lalaking umamin sa harap ng altar at ng kanyang magiging asawa na siya ay may ibang babae na minamahal. Marami ang nabigla at nagulat sa mga binitawang salita ni Jefferson. Hindi akalain ng kanyang mapapangasawa na si Jessica na mayroon pala siyang ibang babaeng minamahal. Lubos na nabigla ang babae at maging ang kanilang mga bisita, maya-maya ay tinawag ni Jefferson ang sinasabi niyang minamahal niya.


Ito ay si Giovanna. Pinaakyat niya ito sa altar at sinabing, “If I could ask God anything, it would be to have you as my daughter. I would be the proudest father in the world to have such a beautiful, intelligent, and educated daughter like you.” Patuloy ang pagluha ni Jefferson habang binibigkas niya ang mga pangarap niya kay Giovanna at sa ina nitong si Jessica.



Lubos na bumuhos ang luha sa kasal na ito dahil maging ang mga panauhin nila ay hindi na napigilan ang pag-iyak. “I also give you love, my love, to take care of you, to always protect you, and to not let anything bad to happen to you.” mga salitang binigkas ni Jefferson kay Giovanna. Kinuha naman ng bata ang mikropono at lubos na nagpasalamat sa wagas niyang pagmamahal sa kanilang mag-ina.

Source:TheRecoveryCrate




error: Content is protected !!