Silipin ang nakakamanghang tahanan ni Julia Montes sa Antipolo



Si Julia Montes o Mara Hautea Schnittka sa totoong buhay, 23 taong gulang, isang sikat na aktres at unang nakilala sa Goin’ Bulilit. Sino ba namang mag-aakala na ang dating musmos na bata sa mga palabas at pelikula ay isa na ngayong matagumpay na aktres at nagmamay-ari na rin ng sarili niyang tahanan?

Bata lamang ay makikita na sa mga telebisyon at pelikula si Julia Montes kung kaya hindi nakapagtataka na siya ay makapagpundar ng napakagandang bahay sa Antipolo, Rizal. Taong 2012 nang maipundar niya ang tahanan niyang ito na may mala-modernong tema na may haplos ng paborito niyang kulay na pula.



Ayon sa aktres, marami din siyang natingnan at napuntahang mga lugar sa paghahanap niya ng kanilang magiging tahanan. Ngunit ang bahay nilang ito sa Antipolo ang talaga namang nagustuhan ng dalaga dahil sa hindi na kailangan pa itong tibagin at higit sa lahat ay narito ang lahat ng ninanais niya sa magiging tahanan nila ng kanyang pamilya.


Una nang mapapansin sa tahanan ng dalaga ang itim nilang gate na may kaunting kulay ginto na talaga namang elegante tingnan. Ang kwarto naman ng dalaga ay kapansin-pansin rin naman na may mga kulay pula, kung saan ipinaliwanag ng aktres sa isang interview na pula ang paborito niyang kulay dahil sa kahulugan nitong “katapangan”.
“Dream ko lang magkaroon ng red wall. Naa-attract ako sa red, kasi usong-uso sa akin ‘yong nagbabasa ako ng mga book, and then nabasa ko ‘yong meaning. Iyong red, parang nagsi-symbolize ng parang strong ka.”

Common Bathroom




Bedroom

Dining



Sitting Nook

Living Room

Ibinahagi din ng dalaga na veranda ang pinakapaboritong parte ni Julia sa kanilang tahanan dahil sa maaliwalas at komportableng lugar na ito.
“Relaxing siya for me ‘tsaka may iba siyang feeling, e. Dahil open air, nakikita mo ‘yong view, nakikita mo ‘yong sky. Feeling ko, doon ako nagkakaroon ng panibagong Goal and dreams.”

Source:RealLiving




error: Content is protected !!