Ang Mga Kailangang Gawin Upang Ang Iyong Sari-Sari Store Ay Kumita



Kung kagustuhan mong mag-negosyo ngunit maliit lang ang iyong kapital, mag Sari-sari Store ka na lang. Bukod sa madali lang pwede mo pa itong ipwesto sa iyong bahay.

Ang Sari-sari store ay nakikita natin sa maraming lugar. Minsan nga bawat kanto ay makikitaan natin ng Sari-sari store. Ang mga tindahan na ito ay nakaka-tulong sa mga mamimili sa mga kinakailangan nila para hindi na magpunta sa mga supermarket o grocery.


Pero paano nga ba magiging matagumpay ang isang Tindahan na ganito? Ito ang ilang mga paraan upang maging maayos ang takbo ng iyong Tindahan:



1. Pagpili ng Lokasyon

Karamihan sa mga sari-sari store ay naka-pwesto sa mga matataong lugar. Kaya ang iba ay nagpabayad ng upa/rent sa kanilang pwesto. Maging matalino sa pagbibigay ng patong sa mga paninda. Kinakailangan ay mabawi mo ang mga gastos na hindi magiging sobrang mahal ng iyong produkto. Kaya naman kung ang bahay mo ay nakapwesto sa isang ma-taong lugar, bilisan mo na at magumpisa ng ganitong negosyo.

2. Mura pero kumikita

Ang iniisip kasi ng ibang nag-nenegosyo ay ang mabilasang pag-bawi ng kanilang kapital. Sa isang negosyo ay dapat maging patas tayo upang tangkilikin tayo ng marami. Kung mataas ang patong mo sa paninda, magiging dahilan ito nang paglipat ng ibang kostumer mo sa ibang tindahan na mura ang paninda. Mas mainam ang may bumibili kaysa sa wala.


3. Huwag Magpa-utang

Tandaan, maliit lang ang kapital mo sa ganitong negosyo. Sa kinikita mo sa isang sari-sari store ay pinapaikot mo lang din upang ipambili ng mauubos na paninda. Mas mainam kung hindi mo papatulugin ang pera sa iba dahil ang pera na iyon ay maaaring lumaki pa. Ang negosyo ay negosyo! Sa ganitong klase ng pagkaka-kitaan dapat ay kritikal at tuwid kang mag-isip upang maiwasan ang pagka-lugi at pagka-ubos ng paninda.

4. Hindi mo Grocery ang iyong paninda

Sa nasabi kanina, pinapaikot mo lang ang pera na kinikita. Kung ikukunsumo mo lang din ang iyong paninda dapat ay di ka na nagtinda. Isa sa mga paraan ay bayaran mo rin kukunin mo sa iyong paninda. Kung ayaw mo ang ganitong paraan, maaaring ilista mo ang kinukuha upang mamonitor mo ang nababawas. Pigilan na maging walang humpay at pigil ang pagbawas ng paninda.


5. Ugaliing Mag-Inventory ng mga Paninda

Ang pagmomonitor ng mga paninda ay isa sa mga importanteng gingagawa upang malaman ang kakulangan at kalabisan ng produkto. Sa ganitong paraan ay makikita mo kung ano ang mga mabiling produkto at sa hindi. Bukod pa rito ay malalaman mo kung ano ang mga kailangan mong bilhin

6. Alamin mo ang naaangkop na produkto depende sa panahon

Ang pagdagdag ng produkto na alam mong mabibili ay makakatukong sa iyong kita. Kung alam mong mainit ang panahon, magtinda ng malalamig na produkto katulad ng Ice-Candy, Palamig, Ice-drop, Halo-halo, Yelo. Kung malapit naman ang pasukan ay pwede kang magdagdag ng mga school supplies. Kailangan lang din ng konting expansyon upang lumaki pa ang kikitain.



7. Disiplina sa sarili

Sa lahat naman ng negosyo kinakailangan ay disiplinaso ka. Kung pipigilan mong sarili mo na gumastos sa mga hindi kailangang bagay, mas mabuting idagdag mo na lang sa iyong paninda.

Source:EfrenNolasco




error: Content is protected !!