Mga dapat tandaan sa pamimili sa Divisoria, alamin!



Sino ba naman ang makakatanggi sa mga bagsak presyong bilihin lalo na ngayong nalalapit na ang Pasko. Hindi na magkamayaw ang nakararami sa pamimili ng mga pamasko para sa pamilya, sa mga inaanak, at maging sa kani-kanilang sarili. Ito ang ilan sa mga dapat tandaan sa pamimili sa Divisoria.

1. Magsuot na lamang ng mga komportable at simpleng damit. Iwasan na ang maraming kolorete o mga palamuti sa katawan. Magsuot lamang ng mga komportableng damit. Kaysa sa mga mamahaling kasuotan, at tiyak na mas makakatawad ka sa mga tindera at mas mag-eenjoy sa iyong early Christmas shopping!

2. Asahan na ang puspusan at mahaba-habang lakaran kung kaya naman magsuot lamang ng komportableng sapatos o tsinelas, tandaan na ang lugar na ito ay agad agad na nagging putikan lalo na sa maiksing pag-ulan. Wag ding kalilimutan, magbitbit ng payong.

3. Magdala ng belt bag o kaya naman ay bag na maaari mong ilagay sa iyong harapan. Maging maingat sa paghahawak ng iyong pera at ugaliing huwag ilagay sa iisang lugar lamang ang iyong salapi. Mas mainam na nakakalat sa iba’t-ibang parte ng iyong bag o pantalon ang iyong pera para hindi ka maisahan ng mga masasamang loob.

4. Wag kalilimutang tumawad sa mga presyo ng iyong pinamili. Tumawad ng maayos at may konsiderasyon, alamin ang iyong limitasyon. Alalahanin na sila ay mga tao ring tulad mo na nagnanais din namang maghanap-buhay para sa kani-kanilang pamilya.

5. Marami man ang mga ATM machines dito, ugaliin pa rin ang pagdadala ng cash at panatilihing hiwa-hiwalay ang mga ito at hindi nakalagay sa iisang parte ng bag o pantalon lamang.

6. Huwag na huwag din kalilimutan ang pagsisiyasat sa iyong mga pinamiling gamit, maaaring may mga nakatago itong sira na mas mainam ng makita mo agad kaysa sa masayang ang iyong perang pinamili. Maging ang iyong sukli ay ugaliing bilangin. Dahil hindi lahat ng tindahan dito ay nagbibigay ng resibo.




error: Content is protected !!