Mga Negosyong Hindi Tataas ng 20K, Sakto Para Sa Mga Nagiipon Nating OFWs



Ang magtrabaho sa ibang bansa ay isang sakripisyo. Kinakailangan ng tibay at lakas ng loob upang mamuhay ng malayo sa iyong mga mahal sa buhay. Kailangan ding makisama upang makatagal sa ibang bansa.

Marami sa may mga kakilalang OFWs ang tingin nila ay basta nakapag trabaho sa ibang bansa ay Big Time na. Diyan nagkakamali ang karamihan. Totoong may mga pinapalad, pero may mga iba na sa sobrang hirap ng trabaho nila ay ninanais na nilang umuwi. Pero ang iba ay talagang nagsasakipisyo upang mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang kanilang mga mahal sa buhay. Kaya naman kapag isa kang OFWs, dapat ay magipon ng pera upang magamit ito sa magandang paraan. Isa sa magagandang paraan ay ang pagkakaroon ng Negosyo.

Ang pinapadalang pera sa Pamilya ay pwede pang lumaki. Kaysa sa ipambili ng luho, mas mainam pa na gawin pa itong pagkakakitaan. Ito ang ilan sa mga Patok na Negosyo na pwedeng mong magawa:

1. Sari-sari Store

Ang pagkakaroon ng ganitong tindahan ay madali lang. Isa ito sa mga pinaka madaling magawa na negosyo. Dahil pwede mong ipwesto ang iyong tindahan sa tapat mismo ng iyong bahay. Kinakailangan din ay maging maalam kung swak ba sa lugar niyo ang ganitong negosyo.
Kapital: 6,000 – 12,000 Php



2. Karinderya

Isa sa pinaka patok na negosyo ay pagkain. Kung isa man sa inyong pamilya ang magaling magluto ng ulam. Maaaring ito na siguro ang negosyo na para sa iyo. Lahat kasi ng tao ay kumakain at pati ikaw mismo ay kailangan kumain. Ito na siguro ang negosyo na masasabing walang lugi. Pero dapat paring maging matalino sa pagpili ng lugar. Pumili ng lokasyon kung saan ay may mga taong tatangkilik sa iyong produkto.
Kapital: 4,000 – 6000 Php (Mababago ito kung magrerenta ka ng pwesto)

3. Pagtitinda ng mga “Made to Order”
Dahil nauuso na ang online shopping at pagka-giliw natin sa Facebook. Pwede kang magumpisa dito. Maraming mga produkto na katulad ng Yema Cake, Embotido, Rellenong Bangus, at marami pa ang pwede mong i-post para mag order sa iyo. Sa pamamagitan ng ganito ay maiiwasan mo ang pagka-sayang ng produkto. Ang kailangan lang ay talagang sarapan ang pagkaka-gawa.
Kapital: 1,000 – 2,000 Php


4. Printing at Xerox


Ang ganitong negosyo ay patok sa mga lugar na katulad ng iskwelahan, government office, at sa iba pang mga lugar na nangangailagan ng ganitong serbisyo. Pwedeng panimula ito at magiging paraan upang makapag-dagdag ng ilan pang serbisyo katulad ng lamination, book binding, id, business card, typing jobs, at pwede rin ang computer shop (pwedeng tumaas pa na higit sa 20k kung mag dagdag ka ng computer shop).
Kapital: 10,000 – 20,000 Php


5. Food Kart

Nasabi na kanina na ang pagkain ang isang mabisang negosyo dahil lahat ng tao kay kailangan ito. Ang food kart ay isa sa mga sikat na negosyo na hindi mo aakalain na malaki ang kinikita nito. Sa dami ng pagpipilian katulad ng tuhog-tuhog (Fishball, kikiam, squid balls, kwek-kwek), Mami, Pares, Lugawan, atbp ay siguradong magugulat ka sa liit ng kapital na sinamahan ng sipag at tiyaga siguradong maganda ang iyong kita. Kapital: 2,000 – 20,000 Php (Tataas ito kung bibili ng motor at sidecar, pero mapapa-ubra nito kung bisikleta ang gagamitin)




error: Content is protected !!