Negosyong Pisonet, Malaki ang Kikitain Mo Dito!

Marami sa atin ay nahihirapang mag-isip kung ano ang pwede nating pagkakitaan. May iba sa atin ay nakaka-ipon at takot sumugal sa isang negosyo. Maaaring natatakot dahil baka hindi kumita ang naiisipang negosyo. Sa pagdaan ng panahon, marami ng naglabasan na mga negosyo na talaga namang nag-click sa maraming tao. Isa na dito ang mga computer shop. Dahil sa pagkahilig ng mga kabataan sa internet at games ay talaga namang pinupuntahan lagi ito.

Sa sobrang ma-abilidad ng mga Pilipino ay naimbento ang Pisonet. Ang Pisonet ay tinangkilik ng maraming kabataan kumpara kasi sa mga Computer Shop, kailangan pa ng 15-20 Pesos para maka-arkila ng isang unit ng computer na magagamit ng isang oras.

Ngunit sa Pisonet, sa halagang piso ay mayroong 4 minuto ka na. Kaya naman maraming tumatangkilik ng Pisonet dahil sa murang halaga ay makaka gamit ka ng computer. Pero ang tanong ay magkano ba ang kinikita ng pisonet? Hindi masasayang ang pera kapag ito ang naging negosyo? Ang mga katanungan na ito ay masasagot ng ilang mga paliwanag.

Ang isang unit ng pisonet ay nagkakahalaga ng hanggang 20,000 Pesos. Ganito ang halaga ng isang unit dahil kailangan ay makuha ang specifications na kinakailangan upang maayos ang pag-gamit ng iyong mga suki. Kung mabagal kasi ang unit mo hindi na ulit ito babalikan. Ang ganitong halaga ng computer ay magkakaroon ka na ng ganitong specs:

120/250 Gb of Hard Drive
4GB DDR3 RAM
1Gb of Video Card Memory
~18inch LED Monitor
2 Speakers

Ang ganitong specs ay kakayanin na ang mga laro katulad ng Dota2, LoL, atbp Online Games. Upang makakuha ng ganitong klase ng unit maghanap lang at magtanong-tanong upang hindi mapamahal at maloko. Siyempre, ang hangad natin ay ang kumita. Ang tanong ay magkano ba ang kikitain dito? Isipin na lang natin na tumatakbo ang iyong pisonet ng 10 oras kada araw. Eto ang magiging computation:

Given: 10hours = 600 mins
1 Php = 4 min
Formula
600 minutes
(4mins /1Php)
Sagot: 150Php – ito ang kinikita ng isang unit sa isang araw

Paano kapag mayroon kang limang pisonet, ganito ang computation:

PHP 150 x 5 = PHP 750 per day,
PHP 750 x 30 days = PHP 22,500 kada buwan,
PHP 22,500 x 4 Months = PHP 90,000 pesos – income ng 4 na buwan
Isipin na lang natin na PHP 20,000 ang magiging bill natin sa Internet at kuryente.
Net income Quarterly: Php 90,000 – Php 20,000 = Php 70,000

Pero ito ay pawang approximation lamang at pwedeng mabago ito depende sa mga ilang mga factors katulad ng:

Lokasyon

Bago magisip ng ganitong negosyo dapat ang lugar mo ay malapit sa mataong lugar at malapit sa lugar kung saan ay pwedeng magpakabit ng internet

Komunidad

Mahirap magtayo sa isang lugar na kung saan ay marami kang kakumpitensyang tao. Kailangan pa rin isipin ang kapakanan ng mga nakapaligid dito upang hindi magkaroon ng problema

Itsura ng Lugar

Kailangan ay maganda at malinis ang lugar upang balik-balikan ka ng iyong mga parokyano.

Performance

Ito ang pinaka-mahalaga. Babalikan ka ng kostumer kapag mabilis at maayos ang pag-gamit ng kopyuter lalo na rin ang bilis ng internet.

Ang ganitong negosyo ay karaniwang nakikita natin sa mga kabahayan ngunit nangangailan pa rin ito ng business permit. Sa kahit anong negosyo naman kung ito ay iyong tututukan at pagsisipagan siguradong magiging maayos at kikita ka.

Source:PowerPinoys



error: Content is protected !!