Kilalanin ang “mini me” ni Judy Ann Santos!



Kadalasan nating nakikita at nasasaksihan ang mga social media posts ng ating mga paborito at iniidolong artista. Dahil sa lawak ng social media ngayon at sa dami ng mga social media posts na ito, tila ba tayo ay nakasasabay sa pang-araw-araw nilang pamumuhay pati na ng kanilang pamilya. Ilan sa mga artistang ito ay sina Judy Ann Santos at asawa niyang si Ryan Agoncillo.



Si Judy Ann Santos o mas kilala rin bilang si Judy Anne Lumagui Santos ay isang batikang aktres, prodyuser, at recording artist. Nakilala siya at sumikat sa kanyang mahusay na pagganap sa Mara Clara na ipinalabas noong 1996. Ito ang naging simula ng marami pang matagumpay na programa at pelikula ng aktres. Taong 2004 naman ng makilala ni Juday si Kristoffer Lou Gonzales Agoncillo o mas kilala bilang Ryan Agoncillo na isang aktor at host habang ipinapalabas ang programang Krystala na pinagbidahan rin ng aktres. Sinasabing 2005 ng sila ay napabalitang nagdedate. Makalipas ang tatlong taon sila ay na-engaged at nagpakasal sa isang pribadong seremonya taong 2009. Sa ngayon ay mag-iisang dekada na silang kasal. Bago ang kasal ay mayroon nang inampon na anak si Juday na nagngangalang Johanna Louis “Yohan.” At mayroon naman silang dalawang anak na sina Juan Luis “Lucho” and Juana Luisa “Luna.”



Kamakailan lamang ay pinagkaguluhan sa social media si Baby Luna dahil sa mga cute at nakakagigil nitong mga larawan at videos. Ayon pa sa mga netizens, “mini me” ni Judy Ann Santos ang kanyang dalawang taong gulang na anak. Kitang kita sa mga social media post ng mag-asawang Agoncillo ang hindu maipagkakailang maganda at kagiliw-giliw na batang si Luna.



Hindi na tayo magugulat na sa mga susunod na araw ay makikita na rin natin siya sa telebisyon dahil mukhang susunod siya sa yapak ng kanyang mga magulang. Isang napakagandang mini me version ni Juday!




error: Content is protected !!