Nagtiwala, Nagbigay, at Naloko! Ang Kwento ng Panloloko Ng Isang Pinay Sa Isang Pakistani



Nakakarinig at Nakaka-kita tayo ng mga kwento ng pag-ibig tungol sa isang dayuhan at isang pinoy. Minsan pa nga ay nakikita natin sa daan o sa mall ang magkarelasyon na magkaibang lahi. Totoong maraming tumatakbo sa isipan kapag nakaka-kita tayo ng ganito. Pero ang magandang isipin ay kung anong mayroon silang relasyon sigurado ay parehas silang masaya sa kanilang desisyon. Pero nararami na rin ang mga pinoy na inaasa ang kanilang swerte sa paghanap ng foreigner na mapapangasawa.



Siyempre ang pipiliin nila ay iyong maraming pera. Sa pamamagitan pagpapakasal ay talaga namang magbabago ang buhay ng isang pinay kung mayaman ang kanyang mapapangasawang foreigner. Mas mabuti pa iyong ganito kaysa sa sinapit ng isang Pakistani na naloko.

Isang kumakalat ngayon na post ng isang Pakistani sa kanyang Social Media Account ang panloloko ng kanyang tinuring na kasintahan. Siya ay si Arshad Jutt Karlo na nagbahagi sa kanyang Facebook ng mga screenshots ng kanilang chat at video call. Pagkatapos niyang mapadalhan ng pera ay bigla na lang siyang na-block. Ang Facebook name ng babaeng ito ay si J-Ann na siyang nanloko sa kawawang Pakistani. Sinabi ni J-Ann na may sakit daw ang kanyang ama na nangangailangan ng finacial na tulong.


Sinabi pa ng babae na handa niyang ibigay lahat para lamang matulungan siya. Hindi natin alam kung gaano na katagal ang kanilang relasyon upang lubusang pagkatiwalaan ni Arshad ang kanyang online na kasintahan. Malamang ay talagang nahulog ang kanyang loob at napamahal na rin sa Pinay. Pina-ikot din ni J-Ann ang Pakistani sa pagsasabi ng mga pagpapakasal sa kanya.


Marahil ito pa ang naging dahilan ni Arshad upang patunayan sa kanyang nobya ang kanyang pagmamahal. Pero sa kasamaang palad, pagkatapos makuha ang perang pinadala ay na-block na siya. Daan upang hindi na sila makapag-usap muli.



Nakaka-awa man ang Pakistani pero mahirap talaga magtiwala sa isang taong hindi mo pa nakikita. Kaya sa mga mahilig makipag-relasyon sa online. Maging maingat at huwag magpaloko.

Source:Balikbayan




error: Content is protected !!