Simpleng Gabay Upang Mapalitan Ang Nawawala o Nasisirang Government IDs



Napaka-importante ng Identification o ID sa ating buhay. Itong mga card na ito ang kinakailangan natin sa upang mapatunayan ang Pagkakakilanlan at Requirement sa Ibang transaksyon. Lubos na mas mahalaga din ang mga Govenment IDs. Dahil ang mga IDs na ito ang madalas hingiin sa maraming pagkakataon. Pero paano kapag sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawala o nasira ang mga IDs mo? Ito ang ilan sa mga dapat gawin upang mapalitan ito:

Driver’s License Replacement

including Student permit, Professional Driver’s License, non- Professional driver’s License and conductor license.



Requirements:

1. Application for Driver’s License (ADL)
2. Proof of Identity (Valid IDs preferably with Birthday)
3. Affidavit of L0ss


Steps:

1. Pumunta sa Customer Service Counter at kumuha ng checklist ng kinakailangang requirements. Fill-up ang Driver’s License Application Form at kumuha ng queue number at maghintay na matawag ang iyong numero.



2. Pumunta sa evaluator counter at ibigay ang requirements para ma-check.

3. Antayin matawag para sa ID Picture at Signature.



4. Mag-antay sa pagtawag para sa payment sa cashier at huwag kalimutan ang OR

5. Antayin matawag ang pangalan para sa releasing at ipapakita mo ang OR at magkakaroon la na ng card type license duplicate. Huwag kalimutan isulat ang pangalan at pirma sa release form.

Note:

“A current medical certificate issued by licensed physician is a requirement in renewing a license. To prove that the applicant is physically and mentally fit to operate a motor vehicle.”



SSS Identification Card Replacement

Requirements:

1.) Four copies of SSS Form E-6
2.) Affidavit of L0ss
3.) 2 Valid ID’s
4.) SSS Form R-6
5.) Cash P300.000 (replacement fee)

Steps:

1. Maingat na mag fill-up ng Applicstion form para sa Social Securit Id E-6. Sa Purpose Section ng Form ay lagyan ng check sa box ang replacement of card at yung lost box section.

2. Kumuha ng transaction number sa gwardya at mag-antay na makita ang iyong numero sa screen ng mga transaksyon.

3. Ipakita ang mga dokumento sa counter na designated sayo. Ipakita ang 4 na kopya ng SSS Form E-6 na kasama ang Affidavit of l0ss na may kasamang 2 valid ID’s.

4. Pumunta da cashier window at ipakita ang SSS Form R-6 at kasama ang bayad na 300 Php bilang replacement fee.


5. Kukuhanan ka ng litrato para sa ID at kasama na rin ang pirma. Itatanong din ng officer ang mga information tungkol sayo para makasigurong tama lahat ang nakalagay.

6. Tapos na ang proseso. Magantay na lang ng 2-3 na buwan na dadalhin sa nilagay mong mailing address.

Voter’s Identification Card Replacement

Requirements:

1. Request Form
2. Affidavit of L0ss

Steps:

1. Pumunta sa pinaka malapit na COMELC office.

2. Mag Fill-up ng requestform ng replacement ng voter’s ID kasama ang Affidavit of l0ss.

3. Bayaran sa Cashier at siguraduhing ingatan ang claim stub

PhilHealth Card Replacement

Requirements:

1. Affidavit of L0ss
2. Two pcs. 1×1 ID pictures
3. Replacement fee of fifty pesos (P50.00)

Steps:

1. Pumunta sa pinaka malapit na PhilHealt Regional Office.

2. Magdala ng valid ID at dalawang 1×1 picture.

3. Kumuha ng queuing number at mag antay ng makita ang numero sa screen.

4. Isang PhilHealth Officer ang mag process ng application. Magantay ng 15-30 minuto at makukuha na ang PhilHealth ID.

Pag-Ibig Fund Identification Card Replacement

The official Facebook page of the Home Development Mutual FuPag-Ibig Fund Identification Card Replacement

Ang official na Facebook page ng Home Development Mutual Fund, na mas kilala sa pangalang Pag-IBIG Fund ay nag sabi ng isang pahayag:


Ang Pag-Ibig members na walang MID ay dapat mayroong registration tracking number (RTN) sa pagpapalit. Ma-secure ito sa malapit na Pag-IBIG Fund branch o sa kanilang website sa www.pagibigfund.gov.ph.