Kauna-unahang modelong Pilipina na rumampa sa Victoria’s Secret Fashion Show!

Iba talaga ang dugong Pinoy! Hindi maipagkakailang kilala ang mga Pilipino sa buong mundo. Mang-aawit, mananayaw, atleta, basketbolista, artista sa dulaan, at marami pang iba. Ngunit aakalain mo bang pati sa mundo ng “fashion” ay hindi rin papakabog ang mga Pilipino? Usap-usapan ngayon sa social media ang 21 taong gulabg na Pilipinang modelo na si Kelsey Merrit. Pilipina ang kanyang ina at Amerikano naman ang kanyang ama. Siya ang binansagang “First Ever Filipina to Walk on Victoria’s Secret Fashion Show”.


Ayon pa sa dalaga, tila isang panaginip ang makamit niya ang minimithing pangarap na maging isa sa mga modelong rumampa sa nasabing prestihiyosong fashion show. Lubos na pinagpala ang kanyang pakiramdam dahil sa karangalang ito hindi lamang para sa kanya ngunit lalo’t higit sa bansang Pilipinas.
“It feels like a dream. Getting the show is the dream come true but being the first Filipino woman to walk in the show means I’m making history. The show is broadcast on more than 190 countries with models from 20 countries and I got chosen to represent my region. Blessed!” wika niya sa isang panayam.


Nakakalungkot lamang isipin na ilan sa mga kapwa niya Pilipino ang babatikos sa kanya patungkol sa kanyang kulay at pagkakakilanlan bilang isang Pilipino. Ayon sa isang nagkomento ay halata naman daw na siya ay isang Amerikano at hindi Pilipino. Ang iba naman ay nagsabing matangkad, payat, at maputi talaga ang kinukuhang modelo sa nasabing fashion show.
“My only issue with Kelsey Merritt, is that you can almost see that she’s pure American.”
“It would not be that difficult for her to get cast as Victoria’s Secret as she fits the ff standards: tall, skinny, and white.”

Sa kabila ng mga negatibong komento kay Kelsey mas higit pa rin siyang nagpapasalamat sa mga suporta ng nakararami sa karangalang naibigay niya sa ating bansang Pilipinas. Si Kelsey ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, at nag-aral rin siya dito.

Ayon din sa sikat na modelo, “Pinanganak ako sa Pilipinas at lumaki ako sa Pampanga. Tinapos ko ang pagaaral ko sa Manila bago ako lumipat sa US last year. Mas pinoy pa dugo ko kesa sa mga ‘pure’ na hindi pa nakatapak sa Pilipinas.”

Source:Ptama



error: Content is protected !!