Pinakamahal na kasal ng mga kilalang personalidad sa kasaysayan ng Pilipinas



Kasal ang isa sa pinakamasaya at pinakaimportanteng okasyon sa buhay ng isang babae. Ito rin ay isang mahalagang okasyon sa buhay ng isang lalaki. Madalas mang sabihin ng mga nakatatanda na ang pag-aasawa o pagpapakasal ay hindi tulad ng mainit na kanin na kapag isinubo mo at napaso ka ay maaari mong iluwa.



Ang kasal ay pinaghahandaan at pinaglalaanan ng panahon. Ang sumusunod ay mga sikat na personalidad na talaga namang ikagugulat mo ang kabuuang halaga ng kanilang mga kasal.


1. Ferdinand Marcos at Imelda Romualdez


Idinaos ang kanilang civil wedding sa Baguio City. Sumunod naman ang kanilang church wedding May 1, 1954, sa Pro-Cathedral ng San Miguel in Manila.


Kabuuang Halaga ng kanilang kasal: 16 milyong piso

2. Yong Larrazabal at Donna Cruz




Matapos ang pitong buwan nilang engagement ay ikinasal noong September 19, 1998 ang mang-aawit at aktres na si Donna Cruz at ophthalmologist na si Potenciano “Yong” Larrazabal III na nakabase sa Cebu. Ikinasal sila sa Basilica de San Sebastian Church sa Manila at ginanap naman ang reception sa Manila Hotel.

Kabuuang Halaga ng kanilang kasal: 24 milyong piso

3. Yilmaz Bektas at Ruffa Gutierrez

Si Ruffa Gutierrez ay isang aktres at dating beauty queen na ikinasal sa negosyanteng Turko na si Yilmaz Bektas noong May 25, 2003 ngunit nauwi rin ito sa diborsyo noong May 8, 2007. Mayroon silang dalawang anak na nasa kustodiya ni Ruffa.

Kabuuang Halaga ng kanilang kasal: 27 milyong piso



4. Vic Sotto at Pauleen Luna


Ang batikang komedyante at aktor na si Bossing Vic Sotto ay ikinasal kay Pauleen Luna noong January 30, 2016. Ikinasal sila sa St. James the Great Parish Church sa Alabang. Ipinanganak ni Pauleen si Baby Talitha November 6, 2017.

Kabuuang Halaga ng kanilang kasal: 83 milyong piso

5. Assunta de Rossi at Jules Ledesma


Ang aktres na si Assunta de Rossi ay ikinasal sa negosyante at Negros Occidental First District na si Rep. Julio “Jules” Ledesma IV noong March 14, 2004.

Kabuuang Halaga ng kanilang kasal: 97 milyong piso

6. Hayden Kho and Vicki Belo


Ginanap ang kanilang civil wedding taong June 23, 2017 kasunod ang kanilang engrandeng church wedding sa Paris,France noong

Kabuuang Halaga ng kanilang kasal: 500 milyong piso

Hindi man matitimbang ng anumang halaga ang pagmamahal ng lalaki at babae na ikakasal, sadyang nakakagulat pa ring malaman na ganito pala kalaki ang kabuuang halaga ng kanilang mga kasal.




error: Content is protected !!