Silipin ang tahanan ni Unkaboggable Vice Ganda sa Quezon City



Vice Ganda o kilala rin bilang Jose Marie Viceral Borja sa totoong buhay, 42 taong gulang mula sa Tondo, Maynila. Kilalang komedyante, aktor, host, mang-aawit at fashion icon. Tunay ngang isa siya sa pinakamatagumpay na personalidad sa industriya ngayon. Nakamit na niya ang mga ninanais niya sa buhay noon. Wala rin namang mapagsindalan ng kasiyahan ang komedyante dahil sa kabi-kabila nitong pelikula, commercial, at mga programa.


Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng nakararami ang ilang mga bagay tungkol sa batikang komedyante. Noong 15 anyos siya ay nasaksihan niya ang karumaldumal na nangyari sa kanyang ama na noon ay kapitan sa kanilang lugar. Nang dahil sa biglaang pagkamatay ng kanyang ama ay napilitang magtrabaho sa ibang bansa ang kanyang ina para masuportahan ang kanilang pamilya. Nagdesisyon din siyang magbenta ng tubig sa Tondo noon, maging ang pagtatanghal at pagpapatawa sa mga clubs ay pinasok niya ring trabaho. Sinong mag-aakala na ngayon ay mayroon na siyang magarang tahanan sa Quezon, City?

Ang tatlong palapag niyang tahanan sa Quezon, City ay inabot raw ng walong buwan mahigit bago tuluyang matapos. Ang 360 metro kwadradong tahanan niya ay naisakatuparan sa tulong ng kanyang design consultant na si Avelle Francisco.



Ang kanyang tahanan ay inilarawan niya bilang “modern zen with a minimalist appeal”, nais niya rin itong maging matingkad, komportable, at organisado. Mapapansin ang pagiging simpleng tao ng “It’s Showtime” host sa tema ng kanyang tahanan. Maging ang kanyang mga kagamitan sa bahay ay may mga disenyo at temang minimalist.


LIVING ROOM


Ang parteng ito ng kanyang bahay ay puro puti, itim at gray na kulay. Ang eksklusibong sofa mula sa Contemporaneo, glass coffee table at area rug ang nagdagdag ganda sa parte ng bahay na ito.


DINING AREA


Kapansin-pansin naman ang crystal bowl sa dining table ng kanyang tahanan. Ang candle holders din na mula sa ina ni Vice ang isa sa magagandang parte ng kanilang dining area.



KITCHEN


Ang L-shaped na kusina at granite countertop naman ang pasabog ng kanyang kusina. Pati na ang puti niyang kitchen cabinets at drawers ay nakadagdag din ng puting tema ng kanilang kusina.

VICE BATHROOM


Puno naman ng mamahaling kagamitang Kohler ang sariling banyo naman ni Vice. Bagamat maliit na salamin lamang ang nais niya nung una, pinilit ng kanyang design consultant na malaki ang ilagay dahil sa nagmemake-up daw dito ang komedyante.






error: Content is protected !!