10 Artistang Piniling Umalis sa Showbiz Upang Magkaroon Ng Ibang Trabaho.



Ang pagiging isang sikat na artista ay isang pribilehiyo. Hindi lahat ng tao ay binibigyan ng ganitong pagkakataon. Ngunit kaakibat ng trabahong ito ang dediksyon at disiplina. Tunay na pagpapalain ka kapag sumikat ang iyong career sa showbiz. Siguradong magbabago ang buhay mo. Pero mayroong ibang artista na umalis para piliin ang buhay na labas sa mundo ng showbiz. Maaaring ang mga naging trabaho nila ngayon ay ang talagang pinangarap nila.

Ito ang ilan sa mga dating Artistang umalis sa showbiz upang magkaroon ng ibang trabaho:



1. Kim delos Santos


Si Kim Delos Santos ay sumikat noong taong 90’s. Ilan sa mga kinabilangan niyang programa ay ang Annakarenina, Ikaw Lamang, at TGIS. Siya ngayon ay isang Dialysis Nurse sa New Jersey, USA.


2. Bettina Carlos


Ang dating kapuso na si Bettina Carlos ay madalas nating nakikita sa “idol sa kusina” bilang co-host. Ilan sa mga naging palabas niya ay “Sa Piling Ni Nanay” at “Because of You” na gumanap siya na kontrabida. Ngayon ay isang Columnist sa Manila Times at nagmamay-ari ng Baked Bites by ABC.


3. CJ Muere


Si CJ Muere ay isang sikat na finalist ng Star Struck Season 2. Kasabayan niya ay sila Ryza Cenon, LJ Reyes, at Mike Tan. Ngayon ay isa na siyang lesinsyadong dentista.



4. Serena Dalrymple


Nakilala natin si Serena Dalrymple sa commercial dati ng Jollibee kasama si Aga Mulach. Ang dating child aktress ay isang Manager at procurement COE sa Viacom, na isang long-running media company sa US.

5.Goyong


Ang dating child star na ito sumikat dahil sa pagsali niya s”Thats My Boy” sa Eat Bulaga. Nakapag tapos siya sa University of Santo Tomas at ngayon ay isa na siyang floor director ng Eat Bulaga.



6. Chantal Umali


Naalala niyo pa ba ang commercial ng purefoods tender juicy hotdog na “goodbye carlo”? Si Chantal Umali ang nagsabi ng mga katagang iyon na nagmarka sa atin noong taong 90’s.  Siya ngayon ay may Pamilya at isang Yoga instructor.

7. RR Herrera


Si RR Herrera ay isang award-winning child star noon. Nakapagtapos siya sa Ateneo De Manila ng bachelor’s degree ng Comminications Technology. Ngayon ay isa na siyang regional director ng train station.

8. LA Lopez


Nadiskubre din s LA Lopez sa “That’s My Boy” ni Dolphy Quizon. At nagsimula ang pagsikat niya noong nakasama siya sa programang “Eh Kasi Bata”. Ngayon ay isa siyang Head Pastor at Worship Leader sa Abundant Harvest Fellowship Philippines.

9. Princess Punzalan


Ang sikat at magaling na artistang ito ay humakot ng maraming awards noon. Hindi matatawaran ang kanyang pagiging kontrabida sa palabas na “Mula Sa Puso”. SI Princess Punzalan ay ang dating asawa ni Willie Revillame. Noong 2005 ay lumipat na siya sa California kasama ang kanyang asasa na si Jason Field. Siya ngayon ay isang nurse.

10. Don Laurel


Siya ay isang Aktor dati na isang Police Officer ngayon sa Toronto, Canada.

Source:ArtistaNow




error: Content is protected !!