13 Na Sikat Na Artistang Hindi Nagbabago Ang Kagandahan



Sabi nila, ang kagandahan ay unti-unting nawawala kapag tayo ay nagkakaedad na. Sakop ng paglalarawang ito ay ang magandang mukha at pangangatawan. Walang sinuman ang hindi makakaligtas sa pagtanda kahit na artista ka pa.

Ngunit sa mga artistang ito, ang edad ay numero lamang sapagkat hindi masasalamin ang totoo nilang edad kung pagbabasihan ang kanilang mga mukha at pigura. Hindi mo aakalaing sila ay apatnapung taong gulang o higit pa. Hindi mo rin iisiping mga dalaga at binata na ang anak ng iba sa kanila.



RUFA MAE QUINTO


Madalas mang maimbita sa mga gameshows, pinatunayan ng komedyanteng si Rufa Mae Quinto na bukod sa kanyang magandang mukha ay nanatili siyang isa sa mga pinakamainit na bebot sa industriya sa kabila ng kanyang edad.


SUNSHINE CRUZ


Hindi lamang mukha ang nanatiling bata kay Sunshine Cruz kundi pati na rin ang kanyang katawan. Hindi nakapagtatakang siya ay isa sa mga Hot Bodies ng Century Tuna.


AUBREY MILES


May dalawang supling man si Aubrey Miles, hindi pa rin nawala ang kanyang kaseksihan. Sa katunayan, labing tatlong taon na pala ang nakalipas noong siya ay itampok sa FHM ngunit ito ay parang kahapon lamang.



INA RAYMUNDO


Hindi bakas kay Sabado Nights commercial model na si Ina Raymundo na siya ay may limang anak na. Kung pagbabasihan kasi ang kanyang seksing katawan, hindi halatang siya ay may mga anak na.

CARMINA VILLAROEL


Isa pang artista na may mukhang hindi tumatanda ay si Carmina Villaroel. Para lamang silang magkakapatid kapag kasama niya ang kanyang mga anak na kambal na sina Cassy at Mavy.



MYLENE DIZON


Kung hindi mo kilala si Mylene Dizon, mapagkakamalan mo siyang dalaga. Ang aktres na ito ay may mga anak na. Siya ay masasabing hot momma talaga.

LUCY TORRES-GOMEZ


Si Lucy Torres-Gomez ay isa sa pinakamagandang mukha ngaun hindi lang sa showbiz ngunit pati na rin sa Kongreso. Parang bente anyos mahigit lang ang mukha ng kinatawan ng Ikaapat na Distrito ng Leyte.

PIA GUANIO


Sino ang mag-aakalang kuwarenta anyos na pala ang Eat Bulaga at 24 Oras host na si Pia Guanio? Wala kasing pinagbago ang kanyang mukha nakalipas man ang labinlimang taon.

GRETCHEN BARRETTO


Isa pang kamangha-mangha ay ang kagandahan ni Gretchen Barretto na mukhang hindi rin tumatanda sa nakalipas na dalawampung taon. Ang kanyang angking ganda ay nauukol sa reyna.

ALICE DIXSON


Bukod sa mala anghel niyang mukha, mapapabilib ka rin sa katawan ni Alice Dixson. Siya ay Ambassador at isa sa 2018 Hot Bods ng Century Tuna. Sa edad na apatnapu at apat ay naging cover girl siya ng FHM.

JEAN GARCIA


Pinatunayan din ni Jean Garcia na karapat-dapat din siyang maging cover ng FHM dahil sa kanyang kaseksihan at kagandahan na taglay ng isang bente anyos lamang.

EULA VALDEZ


Tuwing lalabas sa mga serye sa telebisyon, kapansin-pansin ang parang hindi tumatanda at kaakit-akit na si Eula Valdez. Ano kaya ang kanyang sikreto sa pagpapanatili ng kanyang magandang pangangatawan?

DAWN ZULUETA

Gandang hindi kumukupas at hindi pagsasawaan – mayroon nito ang aktres na si Dawn Zulueta. Katulad ng kanyang ganda, hindi rin nawawala ang kilig sa pagsasama nila ng kanyang kaloveteam na si Richard Gomez makalipas man ang ilang dekada.

Source:Ptama




error: Content is protected !!