Kamangha-mangha ang ganda ng mansyon nina Richard at Lucy Torres Gomez



Si Richard Gomez, 52 taong gulang ay isang sikat na aktor, direktor, at manlalaro sa iba’t ibang larangan pampalakasan. Nahihilig din siya sa fencing at kilala siyang isa sa mga artistang nagpapahalaga sa kalusugan.



Ikinasal sila ni Lucy Torres, 43 taong gulang taong 1998 at biniyayaan ng isang anak na si Julianna Marie Beatriz T. Gomez, 18 taong gulang.


Inspirasyon sila sa maraming pamilyang Pilipino dahil sa pagmamahalan ang sentro ng kanilang pamilya at mapapansin na matatag at maligaya ang kanilang pamilya. Kamangha-mangha rin naman ang kanilang dalawang palapag na mansyon sa Makati City.




Nung una ay nagdalawang isip pa sila na bilhin ang lote na ito na ipinaalam sa kanila ni Ben Chan, ang personalidad sa likod ng Bench. Taong 2003 ng sinabihan ni Ben Chan ang mag-asawa patungkol sa pagbili ng lupa na ito. Ngunit dahil sa sila ay nagbabalak din na bumili ng isang condominium napigilan silang bilhin kaagad ang lote na ito. Ngunit taong 2003 ay binili na rin nila ito.



Taong 2014 naman sila lumipat dito kasama ang kanilang anak na si Julianna. Ang mansyon nila ay masasabing “modern at coastal”. Mula sa harapan pa lamang ng kanilang mansyon, sa pintuan, sa mga kwarto, kusina, banyo, sala at iba pang bahagi ng kanilang malaking tahanan ay talaga namang mamamangha ka! Si Jay de Ramos ang arkitekto ng kanilang grandyosong tahanan, saad pa niya, ““Coastal, but then ang design niya is modern, yet may touch pa din ng femininity.”

Dagdag pa ng Misis ni Goma, “A lot of the things here are given by my mom or given by friends or bought by Richard when he was binata pa. “And I like that we’re surrounded by things that mean something to us.” Ang pamilyang ito ay tunay na inspirasyon sa nakararami.




error: Content is protected !!