Mga ilang Celebrities Na Mayroong Palang Dugong Foreigner



Sa dami ng mga sikat na Celebrities ngayon ay namamangha tayo sa kagandahan ng kanilang itsura. Marahil ay talaga namang pinagpala ang iba sa taglay na kagandahan o kagwapuhan. Pero ang ilan sa mga Celebrities ay hindi aakalain na hindi pala sila purong Pilipino.

Ilan sa mga artistang may dugong foreigner:



1. Marian Rivera

Si Marian Rivera-Dantes ay isang Spanish-Filipino. Ipinanganak siya noong August 12, 1984 sa Madrid Spain. Ang kanyang ama na espanyol ay si Francisco Gracia Alonso at ang kanyang pinay na ina na si Amalia Rivera na taga Cavite. Nagpakasal ang kanyang magulang ngunit naghiwalay din na naging dahilan upang umuwi ng Pinas at palakihin si Marian sa Cavite.

2. Jacklyn Jose

Si Mary Jane Santa Ana Guck na mas kilala natin sa pangalan na Jacklyn Jose ay isang sikat na Aktress na nagkaroon na ng maraming palabas at pelikula. Ilan sa mga tumatak na mga pelikula ay White $lavery, Santa Juana, at Salome.


Ang ina niya ay isang Pinay at ang kanyang ama ay isa namang German-American.

3. Bea Alonzo

Si Phylbert Angelie Ranollo Fagestrom na mas kilala natin sa pangalang Bea Alonzo ay pinanganak noong October 17, 1987.


Ang kanyang ina ay isang Pinay at ang kanang ama naman ay isang British. Hiwalay ang kanyang magulang.

4. Angelica Panganiban

Si Angelica Charlson na mas kilala natin sa pangalan na Angelica Panganiban ay pinanganak noong November 4, 1986. Ipinanganak siya sa Payatas Quezon City. Ang kanyang tunay na ina ay namatay noong 2008 sa singapore at kanyang tunay na ama naman ay isang Amerikano Sa Iowa US na isang US Navy. Nakuha niya ang panganiban sa umampon sa kanya.



5. Jessy Mendiola

Si Jessica Mendiola Tawile na mas kilala sa pangalan na Jessie Mendiola ay pinanganak noong December 3, 1992. Ipinanganak si Jessie sa Dubai kung saan ang kanyang ama ay nagtatrabaho. Ang ina ni Jessie ay isang Pinay at ang ama naman niya ay isang half-lebanese at half-british.

6. Liza Soberano

Hope Elizabeth “Liza” Soberano ay ipinanganak noong January 4, 1998. Siya ay isang Filipino-American actress at modelo. Ipinanganak siya sa Santa Clara, California. Ang kanyang ama ay isang Pinoy ay ang kanyang ina ay isang amerikano.

7. Angelika Dela Cruz

Maria Lourdes Egger dela Cruz-Casareo ay ipinanganak noong October 29,1981. Si Angelika Dela Cruz ay isang kilalang aktress na may pinoy na ama at inang Italian-Austrian.

8. Tom Rodriguez

Si Bartolome Alberto Mott na mas kilala sa pangalan na Tom Rodriguez ay isang kilalang artista na marami na ang naging palabas. Unang nakilala siya sa pagsali sa Pinoy Big Brother: Double Up. Ipinanganak siya sa Zambales. Ang kanyang ina ay isang pinay at ang kanyang ama ay isang amerikano.



9. Sarah Lahbati

Si Sarah Alzol Lahbati ay mas kilala natin sa pangalan na Sarah Lahbato. Ipinanganak siya noong October 9, 1993. Nakilala siya sa pagsali sa star struck season 5. Ang kanyang ama ay isang Morocan at ang kanyang ina naman ay isang Pinay.

10. Rhian Ramos

Rhian Denise Ramos Howell na mas kilala natin sa pangalan na Rhian Ramos. Ipinanganak siya noonh October 3, 1990. Ang kanyang ama ay isang British national at ang kanyang ina naman ay isang Pinay.

11. Kim Domingo

Kimberly “Kim” Domingo Del villé na mas kilala sa pangalang Kim Domingo ay ipinanganak noong February 3, 1995. Ipinanganak siya at lumaki sa Quezon City. Ang kanyang ama ay isang French National at ang kanyang ina naman ay isang Pinay.

12. Ejay Falcon

Edward Jake Lasap Falcon na mas kilala sa Ejay Falcon ay ipinanganak noong November 21, 1989. Siya ay nanalo sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus. Ang kanyang tunay na ama ay isang French National.

13. Julia Montes

Mara Hautea Schnittka na mas kilala natin sa pangalan na Julia Montes ay ipinanganak noong March 19, 1995 sa Pandacan Manila. Ang ama niya ay isang German at ang kanyang ina naman ay isang Pinay. Iniwan siya ng kanyang ama noong siya ay bata pa lamang. Kasama ng kanyang hindi-nakakarinig na ina ay ang lola sa pagpapalaki sa kanya.




error: Content is protected !!