Mula sa pagiging child star ay naging isang napakagandang binibini na ni Mika dela Cruz!



Marami sa atin ang nakasaksi na sa maraming mga child star noon na hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa show business.



Kasabay ng mga taon na lumipas ay ang pag-usbong ng kani-kanilang husay sa kanilang larangan at pagbabago mula sa mga nakakagigil at bibong na mga bata sa mga magaganda at gwapong dalaga at binata.



Isa na rito si Mika dela Cruz o kilala sa totoong buhay bilang si Mariko Nicolette Egger dela Cruz, 18 taong gulang, isang modelo, aktres at mang-aawit. Una siyang nakilala bilang nakababatang kapatid ni Angelika dela Cruz. Mahusay din siya sa larangan ng pag-arte kung saan siya ay gumaganap na kontra-bida na talaga namang kinaiinisan ng maraming manunuod. Minsan siya rin ay nagiging bida na inaapiapi sa mga pelikula at palabas na tunay ngang kakaawaan mo dahil sa amo at mala-anghel nitong mukha. Tunay ngang mapapansin sa mga social media accounts ni Mika dela Cruz ang nakakabighaning ganda niya sa mga larawan na kanyang ina-upload.



Maging ang mga simpleng damit na kanyang sinusuot ay talaga namang nabibigyan niya ng hustisya. Nakakamangha ang kanyang natural na abilidad na ang mga simpleng kasuotang ito ay magmukhang mga mamahaling damit kapag siya na ang nagsusuot. Kaakit-akit din ang kanyang mga mata na tila nangungusap, ang kanyang mala-porselanang kutis, at ang kanyang mala-anghel na mukha na kahit noong siya ay bata pa lamang ay marami nang nakakapansin.



Pinatunayan din niya na hindi lamang siya kapatid ni Angelika dela Cruz ngunit siya ay isa ring mahusay na aktres ng kanyang henerasyon. Isang napakagandang mensahe para sa mga kabataan na patuloy na magpursige sa buhay. Magkaroon ng pangarap sa buhay at magsumikap upang makamit ang mga pangarap na ito.


Nawa ito ay maging aral sa bawat isa sa pag-abot nila sa kanilang mga pangarap. Maaaring sa murang edad ay mayroon ka nang pangarap na maging artista, sa iyong pagtitiyaga at pagsusumikap, ito ay makakamtan mo rin basta samahan mo lamang ng gawa at panalangin.

Source:Ptama




error: Content is protected !!