Categories: Tips

Tips! Mga magandang lugar sa divisoria na makakatipid ka at marami ang magaganda na gamit. Subok na ito ng karamihan

Nasasabik ka na bang mamili para sa iyong inaanak sa Pasko o kahit simpleng pangregalo lang sa iyong mga mahal sa buhay? Ito ang ilan sa mga dapat tandaan na lugar upang mas maging madali, mabilis, at kasiya-siya ang iyong pamimili sa Divisoria!

Tabora St. (Decorative Accessories)


Sa Tabora St. matatagpuan ang mga kagamitan tulad ng mga bayong, sumbrero, banig, at kung anu-ano pang mga pang-disenyo. Tunay ngang shopping haven ito lalo na sa mga event stylists at production designers.

Ylaya St. (Fabrics and Sundries)


Ang Ylaya St. naman ay kilalanh bagsakan ng mga ganitong uri ng materyales. Malalaking bulto ang ibinabagsak dito, at talaga namang bulto! bulto!
35 ang cotton, 30 isang yarda naman anh taffeta, 15-20 naman ang tulle, ang mga upholstery fabrics naman ay 50-70 isang yarda at 200 piso naman ang black out panels.

Sto. Cristo St. (Baking ang Cooking ware)


Ikaw ba ay may catering o food business? O kaya naman ay mahilig kang mag-bake o magluto? Marahil ito na ang kalye para sayo. Malulula ka sa dami ng mga kagamitang pangluto mula sa mga kaldero, kaserola, hanggang sa mga gamit pang-bake! Mas marami kang bibilhin, tiyak na mas makakamura ka.

Juan Luna patungong CM Recto (Flowers and hardwares)
Bulaklak, Flower arrangements, vases at mga flower vases, dito mo yan matatagpuan sa Juan Luna St.
Patok na patok sa mga flower arrangers o maging sa mga ikakasal na nagnanais ng magagandang klase ng bulaklak para sa kanilang dream wedding.

Tutuban Center Mall (More Fabric)


Ang mall na ito na itinayo noon pang 1891 ay maaari mo ding suyurin, marami din itong mga sulit, de kalidad, at murang mga damit, laruan, sapatos, bag, tela at marami pang iba.

168 Mall

Matapos ang mahabang lakaran at pakikipagtawaran, mamahinga naman at kumain sa tatlong food courts nila. Kung hindi ka pa solve, pwede ding mag-Christmas shopping sa 168 mall!

Source:RealLiving

Juan Tambayan

Share
Published by
Juan Tambayan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago