Ang Buhay May Asawa Ngayon Ni Jewel Mische Na Parang Isang Fairy Tale



Noong mga bata tayo, nakaka-panuod at nakaka-basa tayo ng mga kwento ng mga pantasya tungkol sa mga prinsipe, prinsesa, kastilyo, at marami pang iba. Talaga namang kinagiliwan natin ito dahil sa katapusan ng kwento ay mayroong “Happy Ending”. Ang mga mala-fairytale na kwentong ito ay minasan pinangarap natin na mangyari sa ating buhay. Pero minsan ang mga pangarap na ito ay malayo sa katotohanan. Dahil ang mga kwentong pantasya ay nalalayo sa realidad ng buhay.


Ngunit mayroong mga pinalad na gawing maka-totohanan ang mga pangarap na ito. Isa na dito ang sikat na dating aktress na si Jewel Mische. Si Jewel Fatima Avejade Mische o kilala natin sa pangalang Jewel Mische ay isa sa mga nanalo sa isang talent search sa GMA na Star Sruck. Binansagan siyang Ultimate Sweetheart ng naturang channel. Nakilala din siya sa mga palabas katulad ng Kamandag, Paraiso, saka 100 Days in Heaven.




Pagkatapos iwanan ni Jewel Mische ang showbiz, nabihag siya ng isang amerikano na ang pangalan ay Alister Kurzer. At di rin nagtagal ay kinasal sila noong 2015. Kasalukuyang naninirahan sila sa Michigan kasama ang kanyang mga magulang. At itong July 12, 2018 ay binayayaan na sila ng babaeng anak na ang pangalan ay Asiah Rose.

Ang nakaka-tuwa sa kwento ni Jewel Mische ay ang bukod tangi nilang bahay. Ang itsura ng kanilang bahay ay parang hango sa kwento ng fairy tale. Tila bang parang isang katilyo itong maituturing. Hindi lamang sa panlabas na kandahan pati sa loob ay tila parang nabuo ito sa mahika.

Tunay na mapapansin sa kanyang litrato kung gaano siya kasaya sa kanyang buhay ngayon kasama ang kanyang pamilya. Kahit wala na sa showbiz, nasusubaybayan pa rin siya ng kanyang mga taga-hanga sa pamamagitan ng kanyang posts sa Instagram. Karamihan sa mga posts ni Jewel ay kasama ang kanyang asawa sa pamamasyal sa maraming lugar.

Pinatunayan lang ni Jewel Mische na walang imposible sa mga nangangarap. Ang kailangan lang ay maniwala na kayang mangyari ito.

 





error: Content is protected !!