Hindi mapigilan ng mga netizens ang manggigil sa cute na cute na anak ni Beauty Gonzalez!



Beauty Gonzalez o mas kilala rin bilang Christine Marie Gonzalez, 27 taong gulang ay isang Pilipinang batikang aktres at isang maganda at magaling na modelo bago siya nag artista. Nakilala siya sa kanyang pagsali sa kilalang reality show na Pinoy Big Brother Teen Edition Plus ng Kapamilya network at dun na siya nabigyan ng pagkakataon sa industriya na ito sa channel 2.



Tinagurian siyang “Rebellious Beauty” sa nasabing programa at tinanghal na 4th grand placer ngunit kahit tinanghal lamang siya na 4th placer ay madami pa ding oportunidad na dumating sa kanya. Siya ang kauna-unahang housemate ng PBB Teen Edition Plus na makasama sa isang teleserye matapos lumabas sa bahay ni Kuya. Naging biggest break niya sa industriya ang pagtatambal nila ni Zanjoe Marudo sa Primetime teleserye ng ABS-CBN na “Dream dad”. Ang pagiging matagumpay ng kanilang proyekto ang naging daan upang magkaroon ng “Balex” loveteam na kinuha sa kanilang pangalan na Baste at Alex sa nasabing teleserye.



Siya ay ikinasal kay Norman Crisologo noong 2017 at mayroon silang isang anak na napaka-cute at ganda na nagngangalang Olivia Ines. Naging isang napakalaking biyaya para kay Beauty at sa kanyang asawa ang pagiging isa ina. Ayon sa aktres, kung dati rati ay sarili lamang niya ang kanyang iniisip ngayon ay mas priyoridad niya na ang kapakanan ng kanyang anak.


Makikita rin sa mga social media posts ng aktres ang napakaraming magagandang larawan ng kanyang anak na si Olivia. Mga larawan na tlaga namang nakakagigil sa kakulitan at sa kacute-an.

Tunay ngang napakagandang karanasan sa isang babae ang pagiging isang ina. Karanasang walang katulad at walang makahihigit. Isang pagpapala ang pagkakaroon ng supling, at isa rin namang napakalaking responsibilidad ang kaakibat nito sa mga magulang. Walang kasing-saya ang pagkakaroon ng isang kumpleto at masayang pamilya na nararapat lamang na ipagpapasalamat ng buong puso sa Diyos.



Source:Ptama




error: Content is protected !!