Mga Koleksyong Kotse Ni Coco Martin, Manlulula Ka Sa Kagandahan



Mula sa simpleng tao ay talaga namang masasabi natin na isa na si Coco Martin sa mga matagumpay sa mundo ng showbiz. Dating isang Indie Film Aktor ay isa na siyang Blockbuster star at bida ng isang soap opera na kinagigiliwan ng maraming tao. Dahil sa kanyang galing sa pag-arte ay naging daan ito upang maabot niya ang tinatamasa niyang buhay ngayon. Hindi naging madali ang kanyang simula pero dahil sa kasipagan ay nagbunga ito ng malaki.


Ilan sa mga teleserye na pinagbidahan niya ay ang Hanggang saan, Ikaw lamang, Minsan Lang kita iibigin, Tayong dalawa, at ang mas kilala ngayon ay ang FPJ’s Ang Probinsyano na mapapanuod pa rin natin ngayon sa ABS-CBN.

Siguro ay naiisip natin kung ano kaya ang gingawa niya sa kanyang mga bakanteng oras. Ang kanyang tagumpay sa kanyang career ay biniyayaan siya ng isang buhay na halos kaya na niyang mabili ang naisin niya. Isa sa mga kinahiligan niya ay ang pangongolekta ng mga mamahaling na sasakyan. Ito ang mga kotse na tanging mayaman lang talaga ang makakabili. Ilan sa mga sasakyan niya ay ginagamit niya sa kanyang sports na off-road driving.




Ilan din sa mga sasakyan niya ay nakita natin sa FPJ’s Ang Probinsyano na ginagamit sa mga action scenes. Meron din siyang sasakyan na malaki na kayang tumagal sa baha.

Ang ilan pa sa mga koleksyon niya ay Land Cruiser, Mustang, at Mercedes Bens. Hindi lang mahal ang mga sasakyan na ito bagkus ito ay mga kilalang mga tatak ng sasakyan na hindi biro ang mga halaga. Kung mapapansin sa larawan ay talaga namang hands-on niyang iniingatan ang kanyang mga koleksyon. Ang ganitong klaseng koleksyon ay nangangailangan din ng magarang maintenance upang mapangalagaan ito mabuti.

Tunay na kahanga-hanga ang nangyari sa buhay ni Coco Martin. Ang mga ganitong pangyayari sa kanyang buhay ay pabuya niya sa kanyang pagsisikap. Kolektor man ng magagarang sasakyan si Coco Martin, hindi pa rin siya tumitigil na tumulong sa mga nangangailangan at ang importante ay mapagkumbaba pa rin siya.

Source:Ptama





error: Content is protected !!