Categories: Viral

Nakakamangha nga talaga ang kagandahan ng anak ni Anjo Yllana!

Si Anjo Yllana ay isang artistang Pilipino, komedyante at isang pulitiko kilala rin bilang si Andres Jose Garchitorena Yllana Jr. Nagsimula siyang magkaroon ng mga proyekto sa ABS-CBN ngunit kalaunan ay lumipat din naman siya sa GMA network at nabigyan ng marami pang mga proyekto.

Mayroon siyang apat na anak sa kanyang kabiyak na si Jacqui Manzano-Yllana na sina Mikaela, Andee, Jaime at Nathan. Tunay ngang kahit pa abala ang isang tulad niya sa pagiging pulitiko at host ay hindi pa rin niya nalilimutang maglaan ng oras sa kanyang pamilya, asawa at mga anak.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan at laman ng balita ang kanyang anak na si Mikaela o Mika dahil sa mga kabighabighaning larawan nito sa kanyang social media account. Hindi maipagkakailang nakuha niya ang kanyang kagandahang taglay sa kanyang mga magulang. Kenkoy mang maituturing ang kanyang ama na si Anjo ay talaga namang mapapansin din ang gwapong hitsura nito pati na rin ang maka-porselana at magandang mukha ng kanyang asawa na si Jacqui. Makikita sa mga social media posts ng dalaga ang mga larawan nito sa iba’t-ibang beach na talaga namang hindi mapigilan ng mga netizens na pagkaguluhan dahil kasabay nito ay ang mga magagandang kuha ng dalaga. Kung kayo ay nagtataka kung siya ay mayroon nang kasintahan, mapapansin sa social media account ng dalaga na mayroon nang nagmamay-ari ng kanyang puso.

Kung ang ilang mga anak ng artista ay tila nahihirapang maging usap-usapan sa social media dahil sa kanilang mga magulang, hindi naman ito alintana ng dalaga. Tunay ngang marami rin ang nakakapansin na mayroong potensyal si Mika upang maging isang artista o isang modelo balang araw. Susunod kaya siya sa mga yapak ng kanyang ama sa industriya ng show business? O mas pipiliin niya ang tahimik na buhay na malayo sa magulong mundo ng showbiz?

Source:Ptama

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago