Si Addie Manzano, Ang Tanging Magandang Babaeng Anak ni Edu Manzano

Lubos ang kasikatan ni Edu Manzano simula pa noon at hanggang ngayon. Ito ay dahil sa walang kupas na kagalingan niya sa pag-arte at sa taglay niyang kagwapuhan. Madalas ay napapanuod pa rin natin siya sa telebisyon sa palabas na FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Lucas Cabrera na isang Vice-President sa palabas. Pero noong kasagsagan ng kanyang career ng kanyang kabataan ay isa siya sa may pinaka-gwapong itsura sa telebisyon at sa pelikula.

Nakilala rin natin ang kanyang anak na si Luis Manzano na anak nila ni Vilma Santos. Naging sikat si Luis Manzano sa pagiging Host ng maraming programa. Pero may ilang hindi nakaka-alam na may tatlong anak si Edu Manzano. Kasama na si Luis, ay may anak pa siyang dalawa sa isang sikat na modelo na si Rina Samson. Ang pangalan nila ay Amanda Danielle “Addie” at Lorenzo Eduardo “Enzo”. Masasabing biniyayaan sila ng magandang itsura. Siyempre, kanino ba sila nanggaling?

Bukod kay Luis Manzano na masasabi nating talagang kilalang-kilala na sa showbiz, ang anak na babae ni Edu Manzano na si Addie Manzano ay nagiging sikat na ngayon sa Social Media. Si Addie Manzano ay isang 21 taong gulang na nakapag-tapos sa Ateneo De Manila. Siya ngayon ay namumuhay sa New York bilang isang indibidwal na hindi umaasa sa kanyang magulang. Sa loob ng dalawang taon ay lubos na pinag-malaki ng kanyang ama ang kanyang ginawa, pagpapatunay na kaya na niya ang sarili niya na hindi dumedepende sa kanyang magulang.


Sa mga Social media posts ni Addie ay mapapansin na mahilig siya sa mga Outdoors. Sa mga ilang posts niya ay talagang mabibighani ka sa pagsuot niya ng swimwear. Pero sa mga magtatanong kung single pa siya, ang sagot ay matatagpuang sa kanyang Instagram account. Siya ngayon ay may boyfriend na ang pangalan ay John Miclat.


Ilan pa sa mga nagawa ni Addie noong siya ay nagaaral ay ang pagmo-model. Naging bahagi rin siya ng isang campaign ng whitening products noong 2014. Pero ang pinayo ng kanyang ama ay tapusin at tutukan ang pag-aaral. Pero minsan din ay nakita na rin siya sa telebisyon noong nag host siya sa Upfront ng UAAP.

Bilang isang babae na nabibilang sa linya ng mga artista, marami rin ang nag-aabang kung babalakin ba ni Addie ang pumasok sa mundo ng showbiz. Sa kasalukuyan ay masayang namumuhay ngayon si Addie kasama ang kanyang kasintahan at mga kaibigan sa New York.

Hindi natin alam, balang araw, baka makita rin natin si Addie Telebisyon at sundan ang yapak na tinahak ng kanyang sikat na ama.

 



error: Content is protected !!