Amerikanang ina pinalaki ang kanyang tatlong anak sa Pilipinas!



Hindi na iba sa ating pandinig ang salitang “American Dream” kung saan nakatatak na sa isipan ng nakararami na ang paninirahan sa Amerika o sa ibang dayuhang bansa ay makapagdadala ng ginhawa sa isang Pilipino.



Hindi na rin nakapagtataka na marami sa ating mga kababayan ang mas piniling magtrabaho sa ibang bayan upang kumita ng pera at kalaunan ay makuha o mapetisyon ang kanilang mga mahal sa buhay at makasamang manirahan sa dayuhang bansa na ito.

Ngunit tiyak na ikagugulat ninyo ang isang Amerikanang ina na mas piniling iwanan ang dayuhang bayan upang manirahan sa Pilipinas. Kung ang karamihan ay hinayang na hinayang sa ginawa ng ina dahil sa diumano’y nasa malambot na kutson na sila ay pinili pa nilang humiga sa banig.

Isang American blogger si Amber Folkman, at ninais niyang palakihin at itaguyod ang kanyang pamilya kasama ng tatlo niyang mga anak dito sa Pilipinas. Ipinanganak at lumaki siya Northern California na may kultura at paniniwalang banyaga.


“A Filipino’s commitment to family and community is incomparable. My heart soars when I hear my sons refer to any adult as ‘Kuya’ or ‘Ate’ – it is so endearing. It has been such a comfort to be enveloped by neighbors, friends, and yayas who treat you as part of their family. Since we live so far from our relatives, this has been instrumental in our happiness and growth in Manila,”
Pagbabahagi ni Amber.

Nagsimula ang lahat nang lumipat sina Amber at kanyang asawa kasama ang kanilang noon ay isang taong gulang pa lamang na anak sa Pilipinas mula sa Seattle dahil na rin sa trabaho ng kanyang mister.


Lumipas ang ilan pang taon at nagkaroon pa sila ng dalawa pang mga anak. Sa ngayon ay walong taon na ang pamilya sa Pinas at wala naman nakikitang mali si Amber sa pagpapalaki niya ng kanyang mga anak dito sa Pilipinas. Laking tuwa pa raw niya dahil sa maayos na paglaki ng kanyang mga anak sa bansang Pilipinas na minahal na rin ng kanyang pamilya.





error: Content is protected !!