Maymay Entrata ginulat ang buong mundo sa pagrampa niya sa Arab Fashion Week



Gaano kahusay ang mga Pinoy? Maraming Pilipino ang kilala sa iba’t-ibang larangan hindi lamang sa Pinas kundi pati na rin sa buong mundo. Ngunit hindi lang sila basta kilala, karamihan sa kanila ay nangunguna sa kani-kanilang karera.

Maaalalang naging maingay sa social media kamakailan lamang ang ilan sa mga Pilipina na nagbigay parangal sa ating bansa. Ilan sa kanila ay sina Maureen Wroblewitz kauna-unahang Pilipina na nagwagi sa Asia’s Next Top Model, at si Kelsey Merritt kauna-unahang Pilipinang modelo na rumampa sa Victoria’s Secret Fashion Show.



Hindi rin naman nagpahuli ang Pinay na si Maymay Entrata na nagpakitang gilas sa Arab Fashion Week. Siya ay naimbitahang magsuot ng mga likha at obra ng Dubai-based at International na Filipino designer, Furne One.






Ilan lamang sa mga sikat na personalidad na kanyang dinamitan ay sina Ariana Grande, Beyonce, Katy Perry Britney Spears, Nicki Minaj, and Jennifer Lopez.
Siya Maymay ay nagsuot ng Amato signature gown at talaga namang pinahanga niya ang lahat sa kanyang pagrampa sa nasabing fashion show.

Si Maymay ay nagwagi sa isang reality show na Pinoy Big Brother at matapos ito ay nagkaroon siya ng mga proyekto sa iba’t-ibang teleserye at pelikula. Tunay ngang naging malaking karangalan sa ating bansa ang pagiging kalahok ni Maymay sa nasabing show. Tunay ngang pinakaaabangan pa ng marami ang mga susunod na proyekto ng dalaga hindi lamang sa pag-arte ngunit pati na rin sa kanyang pagmomodelo.



Ang husay ng Pinoy ay talaga namang hindi na maikakailang umaabot na sa iba’t-ibang bahagi ng mundo! Kaya naman lahat tayo, taas noo mga Pilipino!






error: Content is protected !!