Pasilip Sa Mansion ni Coco Martin Na Matatagpuan sa Quezon City



Sa panahon ngayon, sino pa ba ang hindi makaka-kilala kay Coco Martin. Sa katanyagan niya sa Showbiz ay tunay na biniyayaan na siya ng di matatawarang yaman. Mula sa mga naging palabas niya, mga naging pelikula, at lalong lalo na ang kanyang soap-opera na hanggang ngayon ay pinapalabas ay tunay na magiging ibang antas na ang kanyang pamumuhay. Mula sa pagiging simpleng tao, pinag-sumikapan ni Coco Martin ang lahat ng bagay na natatamasa niya. Mula sa pagiging aktor ng Indie Films ay isang Blockbuster na aktor na siya. Sa kabila ng kanyang narating sa buhay ay makikita pa rin natin si Coco na tumutulong sa mga nangangailangan. Pero ang malaking tanong ay kung ano ang ginagawa niya sa pera na bunga ng kanyang pagsisikap. Isa sa mga naging investment ni Coco Marting ay ang kanyang 2000 square meters na Mansion na matatagpuan sa Quezon City. Sa isang interview ay binahagi ni Coco Martin ang naging paraan niya upang makamit ang kanyang Mansion: “Ang tagal ginawa ’yong bahay, kasi ipon, ipon, ipon.” “Kasi dahan-dahan lang, ayoko kasing biglain.” “Natakot naman akong mangutang sa bangko, kasi alam mo naman ’yong work natin— minsan okey ’tapos biglang mawawala.” “Sabi ko, pag ni-loan ko ’to, baka hatakin sa ’kin. ’Yon ’yong pinakamasakit na mangyayari sa buhay ko.”

Ito ang mga parte ng kanyang Mansion:



Main Door

Ang main door ay makikitaan ng mga isdang disenyo. Ito ay naging impluwensya ng kanyang Lola Matilde dahil sa zodiac signs.

Living Area

Sa lugar na ito namamahinga si Coco Martin, pampawala ng stress at pagod sa trabaho. Ayon pa sa kanya:  “Gusto ko ‘yong theme niya, parang resort,” “Bahay siya, pero ‘yong ambiance niya, nakaka-relax po, gano’n. Kaysa mag-hotel ka, di ba po.”


Dining Area

Isang malaking mesang kainan na may 12 na upuan. Hindi madalas magamit ito. Ayon kay Coco Martin: “Kasi masyadong malungkot sa kaunti namin.”

Main Kitchen

Talaga namang mabibilib ka dahil sa kumpleto ang mga mamahaling mga kagamitan sa pagkain. Mula sa Coffee Maker hanggang sa mga mamamahaling kagamitang iba.


Dirty Kitchen

Bukod sa Main Kitchen ay mayroon pang Dirty Kitchen na dito ginagayak ang mga pagkain.

Master’s Bedroom

Mala eleganteng itsura ng kwarto ni Coco Martin na may itim na kama, kulay abo na upuan, at ang sahig na kulay kahoy. Mayroon din siyang working area kung saan nakalagay ang kanyang laptop.



Grandma’s Bedroom

Ito ang kwarto ng kanyang Lola Matilde

Bar

Ang bar section naman ay matatagpuan sa second floor ng mansion

Music Room

Malapit sa kanyang bar ayang isang kumpletong mga equipement sa kanyang pagkahilig sa pagkanta at musika.

Theater Room

Parang isang sinehan maituturing ang lugar na ito. Dahil isa na ring direktor si Coco Martin, maaaring dito siya nanunuod ng mga ibang palabas na makakatulong sa kanyang trabaho at para mag-enjoy din.



Cabana

Kung mayroon siyang mga bisita na mananatili sa kanila ng magdamag. Inaayos ito upang maging isang guest room. Ayon sa kanya: “Kapag may guest ako, halimbawa, kamag-anak ko from abroad ‘tapos gustong mag-stay dito, ang ginagawa ko dito, tatanggalin ko ito,”

Veranda

May mga lamesa at upuan na pwedeng kainan o kaya dausan ng party.

Prayer room

Dahil lumaki si Coco Martin sa isang relihiyosong pamilya. Pinagawa niya ito upang maging lugar dalanginan.

Gazebo

Isa ito sa mga pinaka paboritong lugar ni Coco Marti

Gym

Dito ang lugar ng workout ni Coco Martin na may magandang ambiance.

Pool area

Ang swimming pool ay may lalim na 4-7 ft. Ayon kay Coco Martin: Noong bata ako, kami ng mga pinsan ko, parati kami sa ilog. “Tuwing hapon, naliligo kami sa ilog, kaya gusto ko may swimming pool para sa mga pamangkin ko.”




error: Content is protected !!