Silipin ang mamahaling koleksyon ng mga motor at kotse ni Jericho Rosales!



Lahat sa atin ay may sari-sariling libangan, stress-reliever, o pampalipas oras. Ang iba naman ay mayroong mga koleksyon ng mga hilig nilang mga gamit tulad ng mga sapatos, bags, alahas, at maging ng mga motorsiklo at kotse. Isa na dito si Jericho Rosales. Sumikat siya bilang Mr. Pogi sa Eat Bulaga. At sa kasalukuyan ay gumaganap na Lino Bartolome sa teleseryeng Halik na talaga namang patok na patok sa mga manunuod dahil sa istorya nito tungkol sa mga asawang pinagtaksilan ng kani-kanilang kabiyak. Hindi maipagkakailang marami sa mga manunuod ang nakakaugnay sa ganitong sitwasyon.



Si Jericho Rosales ay kasama rin sa samahan ng mga motoristang The Brat Pack kung saan ilan sa mga miyembro nito ay mga sikat ding personalidad tulad na lamang nina Ryan Agoncillo, Drew Arellano, at Paolo Abrera na mga asawa rin nina Judy Ann Santos, Iya Villania, at Suzie Abrera na kilala sa kani-kanilang larangan.


Ayon pa sa aktor nagkasundo silang ng asawa niyang si Kim Jones na gumamit na lamang ng ilang mga sasakyan tulad ng van at truck na ginagamit nila sa mga shooting o taping at sa pagsundo sa paliparan. “I drive a truck for my bike and going to work and we have a van at home for picking up people from the airport and going to the beach and surfing and going to shoots.”

Mayroon din naman silang maliit na SUV at BMW series para sa mga personal na lakad, “We have a small SUV just for personal stuff and I have my 1987 BMW na 5-series which I am restoring also.” Pag-amin pa ng aktor mayroon siyang koleksyon ng mga Mustang noon, “I used to have a ’65 and a ’67, but I let them go kasi ang hirap mag-restore ng ganoon. Also the Ford GT, the Cobra.”

Dagdag pa ng aktor mas hilig niya ang mga motorsiklo kaysa sa kotse dahil sa grabeng trapik sa Maynila. Malugod ding ibinahagi ng aktor ang koleksiyon niya ng mga ito.
“Kung sa kuwadra kumbaga, I have a scooter, I have a dirt bike, I have my Scrambler and a Cruiser.


I also wanna get a track bike which is a sports bike because I am into that also.” Tunay ngang kamangha-mangha ang mga sasakyan ni Jericho Rosales!






error: Content is protected !!