Silipin ang tatlong palapag na tahanan ni Bea Alonzo sa Quezon City



Si Bea Alonzo o kilala rin bilang Phylbert Angellie Ranollo Fagestrom, 31 taong gulang ay isang Pilipinang aktres, mang-aawit at modelo. Ang kanyang ama ay isang Briton at Pilipina naman ang kanyang ina. Siya ang panganay sa apat na magkakapatid. Hiwalay man ang kanyang mga magulang hindi ito naging hadlang upang maabot niya ang kanyang mga pangarap. Sinong mag-aakala na mula sa pagiging kontesera ay magiging sikat siyang aktres ng kanyang henerasyon ngayon?

Pangarap niya na magkaroon ng sariling bahay at lupa, tulad rin ng nakakarami, tulad din natin. Ang pagkakaroon ng sariling tahanan ay isa sa pinapangarap ng kahit sinong Pilipino para sa kanyang pamilya at maging sa kanyang sarili. 25 taong gulang pa lamang ang aktres noong lumipat siya sa kanyang tatlong palapag na tahanan sa Quezon City. Asian Contemporary ang tema ng kanyang pangarap na bahay.

Tunay na pagpupursige at pagtitiyaga ang naging puhunan ng aktres na ito upang mapatayo ang kanyang dream house na inabot ng isang taon bago matapos. Pagtatapat pa ng aktres sa isang panayam sa kanya na mahirap ang mamuhay mag-isa, lalo na at nagsisimula pa lamang siya. “It was hard for me the first year, ano. Kasi siyempre medyo magugulat ka na ikaw iyong magbabayad ng kuryente, ikaw yung mag-aayos ng madumi mong damit. It was fun, scary, and exciting all wrapped in one.”



Ayon din sa kanyang interior designer na si Jeizele delos Reyes-Go “Bea wanted her dream house with the sophistication of hotels, the coziness of Asian resorts, and the “bling” factor from glossy finishes.”

FACADE





Sa gate pa lamang ay mala-grandiyoso na agad ang bubungad sa mga bisita at maging ang mga magnanakaw ay magdadalawang isip sa masama nilang balak dahil sa steel gates at electrical wire fences.



LIVING AREA



Ang kanyang living room naman ay kinumpleto ng necklace-type chandelier mula sa Shop InStyle at isang abstract painting na likha ng National Artist for Visual Arts na si Arturo Luz.
Mayroon din itong cowhide area rug na mula sa Bo Concept na mas nagbigay ganda sa purong puti na sofa mula sa Origins Home Furniture.



POWDER ROOM




Aakalain mo namang ikaw ay nasa isang grandiyosong hotel sa kanilang powder room na may malaki at nakakabighaning salamin.

HALLWAY


Aakalain mo bang ganito kaganda ang kanilang hallway?

DINING AREA




Napaka-elegante din naman at sopistikada ng dining area ng aktres. Talaga namang gaganahang kumain ang kahit sino sa ganito kagandang hapag-kainan.


MASTER’S BEDROOM


Hindi rin naman magpapatalo sa ganda ang kwarto ng aktres. Maging ang kanyang personal na banyo ay kabigha-bighani rin sa ganda!

Source:Ptama




error: Content is protected !!