Alamin kung magkano nga ba ang matrikula sa ilan sa mga kilalang paaralan sa Maynila



Edukasyon ang isa sa pinakamahalagang bagay na maipapamana ng isang magulang sa kanyang mga anak at ang pag-aaral naman ng mabuti ang ibinabalik ng mga anak sa kanyang mga magulang. Maaaring nagtataka kayo kung magkano nga ba ang matrikula sa mga kilalang paaralan sa Maynila at sa artikulong ito matutunghuyan ang sagot sa inyong mga tanong.

1. Assumption College Senior Highschool

Itinayo noog 1958, ang Assumption College Senior High School ay isang pribado at eksklusibong paaralan para sa mga kababaihan. Ito rin ay isang Roman Catholic School. Kinilala din ito ng Department of Education at Commission on Higher Education, at miyembro rin ng Strategic Educational Alliance of Southeast Asia. Ang layunin ng paaralang ito ay “to create a culture of excellence, faith, and empowerment for all of its girls”.



Estimated Tuition Cost: Around P100,000 annual fee
Location: 26 San Lorenzo Drive, Makati City

2. Ateneo de Manila High School



Kilala ang paaralang ito na eksklusibo lamang para sa mga kalalakihan. Kamakailan lamang ay nagbukas ang pinto ng isa sa pinakalumang paaralan sa bansa para sa mga kababaihan. Ito ay isa na ngayong Coeducational Highschool na binubuo ng iba’t-ibang paaralan na mahusay sa kanya-kanyang larangan.


Estimated Tuition Cost: P130,000 annual fee for high school
Location: Katipunan Avenue, Quezon City

3. Brent International School




Ito ay isang coeducational school na naglalayong magpalaganap ng Western-style na edukasyon sa maraming indibidwal anuman ang lahi at paniniwala nito.

Estimated Tuition Cost: $8,764 and P402,632 annual fee for Grades 9-12
Location: Brentville Subdivision, Barangay Mamplasan, Binan City, Laguna Province

4. British School of Manila




Isa rin itong coeducational school na nagbibigay ng de kalidad na British-style na edukasyon. Kung noon ay 33 lamang ang mga mag-aaral nila, ngayon ay mayroon na silang 930 na estudyante na may iba’t-ibang nasyonalidad.

Estimated Tuition Cost:
Annual fee for Grades 10-11 = £ 5,415* and P515,325 and P113,175 (CDF) (Total: P992,583)
Annual fee for Grades 12-13 = £ 5,895* and P567,510 and P113,175 (CDF)(Total: P1,077,041)
Location: 36th Street, Bonifacio Global City, Taguig City, Metro Manila

5. Chinese International School


Isa itong coeducational school na mayroon ding 25 na iba’t-ibang nasyonalidad. Pinahahalagahan nila ang modernong mga lengguwahe kung kaya mayroon din silang kurso na Mandarin.
Estimated Tuition Cost: P430,000 – 445,000 annual fee

Location: Upper McKinley Road, McKinley Hill, Bonifacio Global City, Taguig City
Student Population: 268




error: Content is protected !!