Kilalanin ang Magandang Angel ni Sunshine Cruz



Hindi man magkasama sa iisang bubong ngayon sina Sunshine Cruz at Cesar Montano, ang pinakamagandang pangyayari sa kanilang buhay ay ang pagkakaroon nila ng mga anak. Isa na rito si Angelina.

Namana ni Angelina sa kanyang ina na ang mala anghel nitong mukha. Taglay din niya ang kagandahang walang kupas at parang hindi tumatanda. Sa katunayan, naging usap-usapan si Angelina noong 2016 dahil sa angkin nitong kaakit-akit na kagandahan.

Naging isa sa pinakabagong mukha ng Careline Cosmetics si Angelina. Nainterview siya ng GMA Network tungkol sa nasabing break ngunit noong mga panahong iyon, siya ay nasa Grade 9 pa lamang at nag eenjoy pa siya sa kanyang Math at Art subjects.

Naging paborito niya ang Math dahil challenging para sa kaniya ang pagsagot ng mga Math problems. Sa kabilang banda naman, noong dalawang taong gulang pa lamang siya ay nakahiligan na niya ang pagguhit. Dahil sa potential na kanyang ipinamalas, hinimok siya ng kanyang mga magulang na magsketch upang malinang pa ang nasabing talento.

Para kay Angelina, siya ay bata pa at wala pa siyang mga siguradong plano para sa kanyang kinabukasan. Ultimo ang kursong kanyang kukunin sa kolehiyo ay hindi pa rin niya naiisip. Ang kanyang focus ay ang kasalukuyan at siya ay naniniwala at nanalangin na gagabayan siya ng Poong Maykapal sa kanyang mga desisyon sa buhay.

Nang tanungin si Angelina ukol sa kanyang ina, sinabi niyang mapagmahal at napakaresponsable nito. Inilarawan din niya na maalaga si Sunshine at masipag itong nagtatrabaho upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ipinagmamalaki din niya ang mga billboard ng aktres at natutuwa siya kapag ito ay nakikita.

Noong 2017, binigyang linaw ni Sunshine ang hindi paggamit ni Angelina ng apelyido ng ama na si Cesar Montano. Aniya, kung mag-uumpisa si Angelina bilang isang singer, mas mainam na gamitin nito ang Cruz katulad ng ginawa ng kanyang pinsan na si Donna Cruz. Dahil ang apelyidong Cruz ay kilalang pamilya ng mga musikero, magiging bentahe ito para kay Angelina. Ang labing limang taon na si Angelina ay maglalabas ng kanyang first single at singing cover ng “Can’t Help Falling In Love” sa susunod na buwan.




error: Content is protected !!