Mga Trabaho Dati Ng Ilang Mga Sikat Na Celebrities



Ang buhay ay sadyang matalinhaga. Minsan ay hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng ating kapalaran. Minsan sa tindi ng ating napagdadaanan ay nasusubok ang ating kakayahan. Wala naman kasing taong hindi dumadaan sa pagsubok. Nakakatuwang isipin na mayroong mga taong kahit na mahirap ang buhay ay nalalampasan at nakakaya nila ito. Ang tangi kasing paraan upang malampasan ito ay ang mangarap. Ang taong may pangarap sa buhay ay ang magiging dahilan para makamit ang inaasam na buhay.

Katulad na lang ng mga personalidad na ito na nagsimula sa simpleng buhay, nangarap at nagtagumpay:



1. Diether Ocampo

Dating Bartender si Diether Ocampo na malapit sa ABS-CBN. Nadiscover siya ng mga talent scouts dahil sa kanyang kagwapuhan na naging dahilan ng pagbabago ng kanyang buhay.

2. Jericho Rosales

Isa lang siyang service crew dati ng isang pizza restaurant. Naging personal driver din siya bago makapag abroad at sumikat.

3. Nora Aunor

Ang kinilalang “Super Star” ng pelikulang Pilipino ay dating nagtitinda ng Mani at Tubig sa may Istasyon ng Tren.



4. Richard Gomez

Naging Service Crew naman si Richard Gomez bago maging artista at pumasok sa pulitika.


5. Marc Pingris

Bago maging isang PBA player ay isang tindero ng isda sa palengke at nagtitinda rin ng ice-buko.

6. Fernando Poe Jr.

Naging Stunt Man lang dati si Fernano Poe Jr. bago tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino.

7. Kim Domingo

Isang promo girl lang dati si Kim Domingo bago siya sumikat at binansagang “Asia’s Fantasy”.

8. Marvin Agustin

Bago magkaroon ng mga negosyong restaurant at maging sikat na artista. Naging tindero at naging service crew lang din si Mavin Agustin.

9. Dolphy

Isang coachman at tagalinis ng sapatos bago sumikat at tinawag ng Hari ng Komedya.

10. Willie Revillame

Isa sa mga sikat na sikat na personalidad ay ang taong ito na hindi ka maniniwala dahil isa lamang siyang jeepney barker at nagtitinda ng dyaryo bago sumikat at yumaman.

11. Coco Martin

Hindi biro ang pinagdaanan ni Coco, bago siya sumikat ay naging Janitor siya sa Canada at pinasok ang Indie Films.

12. Manny Pacquiao

Isa sa mga hinahangaang istorya ng buhay ay ang kwento ng pambansang kamao. Ang kanyang buhay ay ang tunay na halimbawa ng “Rags to Richess”. Bago pinasok ang boxing ay isang construction worker, naging panadero, at nagtinda rin ng sampaguita.




error: Content is protected !!