Pasilip Sa Magandang Bahay Nila Fernando Poe Jr. at Susan Roces



Si Fernando Poe Jr. ay isa sa mga kilalang-kilala na artista sa ating bansa. Siya ay tinaguriang Hari Ng Pelikulang Pilipino. Si Roland Allan K. Poe, na mas kilala sa pangalang Fernando Poe Jr., ay ang anak ng sikat na aktor na si Fernando Poe Sr. at Elizabeth “Bessie” Kelley na isang Filipino-American. Siya ay kinasal kay Jesusa Sonora na mas kilala sa pangalang Susan Roces noong December 1968. Sila ay nag nag-adopt na ngayon ay senador na si Grace Poe.



Dahil sa pagkamatay ni FPJ ay umuwi ng bansa si Grace Poe upang pangalagaan ang naiwang bahay ni FPJ. Kasama ang kanyang asawa na si Neil at tatlong anak niya, sila na ngayon ang naninirahan sa tatlong palapag na bahay ng kanyang magulang. Ating silipin ang bahay ni FPJ at Susan Roces.

Facade

Ang modernong bahay na ito ay may mga simpleng disenyo. Ang kulay ng mga pader ay puti, at mayroong mga single-pane na mga bintana.




Living Room

Maganda at kakaiba ang naging disenyo ng kanilang living room. Mayroong painting ng Sarimanok na awa ng National Artist na si Abdulmari Imao. Mayroon din itong painting ng anak na babae ni Grace Poe na gaaa naman ni Sandra Feller. Mayroon ding pares ng stools na gawa ni Kenneth Cobonpue.



Dining Room

Ang kakaiba sa lugar kainan na ito ay ang mga disenyo at pagkakaayos ng mga gamit. Ilang mga pamanang bagay na dumaan na sa maraming henerayon ay naka-display sa lugar na ito. May ilang mga antique na naka-display malapit sa mga lamesa. Kung mapapansin ay mayroong dalawang mesa na inilagay sila Grace Poe at Neil na ang nagmamay-ari ay si Misael Vera na lolo ni Neil.


Kitchen

Ang kapansinpasin sa lugar na ito ay ang L-shaped na working area na mainam kapag nagkaroon ng party o pagsama-sama.



Family Den

Ito ang lugar kung saan makakapag-pahinga kung saan ay ma-eenjoy nila ang view ng hardin at swimming pool.



Swimming pool

Dito nakakapag relax ang pamilya nila na hindi tataas ng 10ft ang swimming pool.

Staircase

Ang kinaganda sa kanilang hagdan ay ang mga painting na collection ni Grace Poe.

Family Room

Sa 2nd flr ay makikita ang hugis L na sofa at mag mesa na kahoy.

Hanna’s Room

Ito ang kwarto ng anak na babae ni Grace Poe na si Hannah na isang High School student sa Makati.






error: Content is protected !!