Xyriel Manabat: kilalang child star noon, isang magandang binibini na ngayon!



Xyriel Anne Bustamante Manabat o mas kilala rin bilang Xyriel Manabat, 14 taong gulang, kilalang aktres sa Pilipinas at gumanap rin sa mga teleseryeng pumatok sa panlasang Pilipino. Sa murang edad pa lamang ay nakatrabaho na niya ang ilan sa mga beterano ay kilalang aktor at aktres na sina Coney Reyes, Kris Aquino, Robin Padilla, Piolo Pascual, and Angel Locsin.


Nadiskubre siya sa isang programa ng Kapamilya network nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search of the Next Kiddie Idol sa ABS-CBN noong 2009. Matapos nito ay nagkaroon agad siya ng mga palabas at ang ilan dito ay kanyang pinagbibidahan.



Naaalala niyo ba ang palabas na “100 Days To Heaven” at si Madam Anna Manalastas? Siya ang batang bida sa programang umantig sa puso ng maraming Pilipino noon. Nagkamit rin siya ng iba’t-ibang parangal dahil sa kanyang natatanging pagganap sa kanyang mga palabas.


Noong 14 taong gulang siya ay nagwagi ng ilang mga karangalan na nakamit na rin ng mga kilala at batikang artista sa industriya ng show business FAMAS award for Best Child Actress, Metro Manila Film Festival Best Child Performer, at ang Gawad Tanglaw for Television Best Single Performance by an Actress.

Sa kabila ng maraming parangal na ito ay patuloy na dumalang ang kaniyang paglabas sa mga programa sa telebisyon. Ang huling paglabas niya sa telebisyon ay noong gumanap siya bilang batang Ivy Aguas sa palabas na Wild Flower ng ABS-CBN. Gaya ng dati, wala pa ring kupas ang angking galing niya sa pag-arte.



Ngayon ay nasa panahon na siya ng kanyang pagdadalaga. Tunay ngang isa siya sa mga magagandang mukha ng industriya at ilan sa mga indibidwal na nagtataglay ng kakaibang galing at husay sa pag-arte. Muli kaya niyang tatahakin ang landas ng show business?

Source:Ptama