10 Sobrang Bilis Na Tren Sa Mundo



Isa sa malaking problema ng ating bansa ngayon ay ang transportation at trapik. Kinakailangan natin ang mga pampublikong sasakyan upang makarating sa ating paroroonan. Tila bang isang pagsubok palagi sa ating mga pinoy ang araw-araw na pagkomyut. Kahit na makipag siksikan tayo sa bus o tren gagawin natin makarating lang sa ating pupuntahan.

Ngunit alam niyo bang may ilang bansa na hindi nila nagiging problema ang transportasyon? Marahil talagang pinaghandaan at binuhos nila ang kanilang lakas para magkaroon ng magandang transportasyon. Isa sa mga mabisang sasakyan para makarating ka sa pupuntahan mo ay ang Tren.



Ito ang ilan sa mga kilalang tren sa mundo na ubod ng bilis:

10. YHT sa Turkey na may bilis na 155.34mph



Ang Yüksek Hizli Tren (High Speed Train) na isang napakabilis na tren sa Turkish State Railways. Mayroong bilis ito ng 250km/h. Kaya ng Tren na ito ang 150miles sa kulang-kulang na dalawang oras lamang.

9. THSR 700T sa Taiwan na may bilis na 186.41mph



Ito ay isang electric high-speed trainset na dinevelop ng Kawasaki Heavy Industries, Nippon Sharyo, at Hitachi Ltd. Ang Taiwan High Speed Rail Line ay nagumpisa ng 2007 na ang biyaheng Taipei City at Kaohsiung na dating 4 hours at kalahati maging 90 minutes na lang.

8. KTX sa South Korea na bilis na 190mph




Ang Korea Train Express ay isa ring high-speed rail system na pinagmamay-ari ng Korail. Kaya ng tren na ang bilis na 217mph pero dahil nilagyan ng cap na 190mph. Hindi lang mabilis ito mura pa ang singil pasahe.

7. TGV Duplex sa France na may bilis na 200mph


Noong 2011 ay nagagamit na ang TGV Duplex sa France. Ang operasyon ay sinasagawa ng SNCF railway company. Kaya ng tren na magsakay ng 508 na pasahero na may bilis na 200mph. Ang naging pangunahing sangkap ng paggawa ng TGV Duplex ay Aluminum at 90% ay recycable.

6. DuetscheBahn ICE sa Germany na may bilis na 205mph




Ang InterCity-Express o ICE ay isang high-speed train system sa Germany. Mayroon silang 250 trainset na nagagamit. Bukod pa sa bilis ay talagang matutuwa ka dahil may mga earphone jacks na pwede kang makinig at mayroong mga electronic display sa taas na para makita ang mga lokasyon.

5. AVE sa Spain na may bilis na 217mph


Ang Alta Velocidad España o AVE ay isang high-speed rail service sa Spain na pinatatakbo ng Renfe. Kaya ng hindi aabot ng 3hrs na byahe ang Madrid hanggang Barcelona.

4. Frecciarossa 1000 sa Italy na may bilis na 220mph


Ang developer ng mabilis na tren na ito ay ang AnsaldoBreda at Bombardier Transportation. Pinapatakbo ito ng Trenitalia na kayang maglaman ng 485 na pasahero.

3. NTV Alstom AGV 575 sa Italy na may bilis na 220mph


Isa pang mabilis na tren ng Italy ay ang AGV 575 na pinapatakbo ng Alstom. Ang tren na ito ay gumagamit ng permanent-magnet synchronous motors upang magkaroon ng high energy efficiency.

2. Harmony CRH380A sa China na may bilis na 236mph


Ito ang pangalawa sa pinaka mabilis na tren sa mundo na may bilis na 236mph. Noong 2010 ay nagsimula ang serbisyo nito sa Shanghai-Nanjing. Gawa ito sa low weight aluminum alloy na kayang magsakay ng 495 na pasahero.

1. Shanghai Maglev Train sa China na may bilis na 268mph


Ito ang pinaka mabilis na tren sa mundo. Kaya ng tren na itong marating ang 19 miles sa loob lamang ng 7 minuto dahil sa pag gamit ng magnetic levitation technology. Kayang magsakay ng 574 na pasahero at nagkakaroon ng magsasakay na tren kada 15 minuto.

Source:InterestingEngineering




error: Content is protected !!